Pumunta sa pangunahing content
Para sa Mga Miyembro (Bubukas sa isang bagong tab)
Pangunahing Nilalaman

Pagkapribado

Paunawa sa Mga Patakaran sa Pagkapribado ng HIPAA

Alamin kung paano pinananatiling pribado ang iyong impormasyon sa kalusugan sa Abiso tungkol sa Mga Kagawian sa Pagkapribado sa ilalim ng HIPAA (PDF, Ingles) at Abiso tungkol sa Mga Kagawian sa Pagkapribado sa ilalim ng HIPAA (PDF, Español).

Patakaran sa Pagkapribado ng Website

Panimula

Mahalaga sa amin ang inyong privacy. Sasabihin sa inyo ng patakarang ito kung anong impormasyon ang aming kinokolekta, bakit namin ito kinokolekta, at ano ang ginagawa namin dito. Sa website na ito lang nalalapat ang patakarang ito. Sa polisa na ito, ang "kami," "amin," at "Kumpanya" ay tumutukoy sa UnitedHealthcare, mga kaanib na entidad, at sa aming pinagmulang kumpanya, ang UnitedHealth Group.

Ang website na ito ay para sa audience na nasa Estados Unidos. Ipoproseso sa Estados Unidos ang anumang impormasyong ibibigay ninyo.

Cookies

Ang "cookies" ay maliliit na text file na nakaimbak sa iyong computer. Pinapadali ng cookies ang pagkilos ninyo sa isang website nang hindi na muling naglalagay ng inyong pangalan, password at mga kagustuhan. Gumagamit ang Kumpanya ng cookies upang makita kung aling mga page ang ginagamit, gaano kadalas ginagamit ang mga ito, at upang mapagana ang ilang partikular na feature ng website.

Hindi ginagamit ang cookies upang makakolekta ng anumang personal na impormasyon. Hindi masasabi ng mga ito sa amin kung sino kayo. Maliban na lang kung hindi pinapayagan ng batas, maaari kaming gumamit ng cookies.

Maaari ninyong i-off ang cookies anumang oras sa pamamagitan ng pagbago sa mga setting ng inyong browser. Maaaring malimitahan nito ang inyong paggamit sa mga feature ng website. Maaari mo ring pamahalaan ang paggamit ng mga teknolohiyang "flash" gamit ang Mga tool sa pamamahala ng flash na available sa website ng Adobe.

Ang Iyong Personal na Impormasyon

Ang "personal na impormasyon" ay impormasyong nagsasabi sa amin kung sino ka. Maaaring kasama rito ang inyong buong pangalan, numero ng telepono, email address, address o ilang partikular na account number. Hindi mo kailangang ibigay sa amin ang iyong personal na impormasyon. Kung hindi mo ibibigay ito, maaari mong limitahan ang iyong paggamit ng ilang partikular na function ng website.

Maaari kaming makipag-ugnayan sa inyo gamit ang email address, numero ng telepono, numero ng cell phone, numero sa pagpapadala ng text o numero ng fax na ibinigay ninyo sa pamamagitan ng website na ito. Maaari naming gamitin ang impormasyong ito upang makipag-ugnayan sa inyo tungkol sa pamamahala sa inyong kalusugan.

Maaari naming isama ang personal na impormasyong ibinigay ninyo sa amin sa pamamagitan ng website na ito sa iba pang personal na impormasyong hinahawakan ng Kumpanya, kabilang ang mga kaakibat o aming mga vendor. Halimbawa, kung bumili kayo ng produkto o serbisyo mula sa amin, maaari naming isama ang personal na impormasyong ibinigay ninyo sa pamamagitan ng website na ito sa impormasyon tungkol sa inyong pagtanggap sa produkto o serbisyo.

Pagbabahagi ng Personal na Impormasyon

Ibabahagi lang namin ang inyong personal na impormasyon sa mga third party alinsunod sa nakasaad sa patakarang ito at sa pinapayagan ng batas.

Maaari kaming magbahagi ng personal na impormasyon kung ang buo o bahagi ng Kumpanya ay naibenta, naisanib, nagsara, nakuha, o nasa parehong transaksyon.

Maaari kaming magbahagi ng personal na impormasyon bilang tugon sa isang utos ng korte, subpoena, search warrant, batas o regulasyon. Maaari kaming makipagtulungan sa mga kinauukulang nagpapatupad ng batas sa pagsisiyasat at paglilitis sa mga aktibidad na labag sa batas, labag sa aming mga panuntunan o makakasama sa mga ibang bisita.

Kung magsusumite ka ng impormasyon o ng post sa isang chat room, bulletin board, o bahagi ng website na ito na kahalintulad ng "chat," ang impormasyong isusumite mo kasama ang iyong screen name ay makikita ng lahat ng bisita. Maaaring ibahagi ng mga bisita ang impormasyon sa ibang tao, at maaaring maging pampubliko ang impormasyon.

Maaari din kaming magbahagi ng personal na impormasyon sa ibang mga third party na kumpanya na binabayaran namin upang magsagawa ng mga serbisyo sa aming ngalan.

Maaaring bigyang-daan kayo ng website na ito na matingnan ang profile at nauugnay na personal na impormasyon ng inyong bisita, at humiling ng mga pagbabago sa naturang impormasyon. Kung available ang function na ito, magsasama kami ng link sa website na ito na may pamagat na gaya ng "Aking Profile".

Seguridad sa Website at Impormasyon 

Mayroon kaming mga makatuwirang pang-administratibo, teknikal at pisikal na depensa upang makatulong na protektahan ang impormasyong ibinibigay ninyo sa website na ito. Gayunpaman, hindi namin magagarantiya ang seguridad ng aming website. Hindi namin magagarantiya na hindi mahihinto ang iyong impormasyon habang ipinapadala ito sa amin sa pamamagitan ng Internet. Wala kaming pananagutan sa mga gawain ng ibang tao na labag sa batas gaya ng mga kriminal na hacker.

Ang aming Online na Proseso sa Komunikasyon

Maaari kaming magpadala sa inyo sa electronic na paraan ng mga newsletter, abiso tungkol sa katayuan ng account, at iba pang mga pakikipag-ugnayan, gaya ng mga pakikipag-ugnayang nauugnay sa marketing. Maaari din kaming magpadala ng mga email tungkol sa mga pangkalahatang pakinabang sa kalusugan, update sa website, kundisyon ng kalusugan at pangkalahatang paksa sa kalusugan. Maaari mong sabihin sa amin na ayaw mong padalhan ka namin ng mga komunikasyong ito. Makipag-ugnayan sa amin upang matuto pa.

Impormasyon para sa Mga Batang wala pang 13

Hindi kami sadyang mangongolekta ng personal na impormasyon mula sa mga batang wala pang 13 sa pamamagitan ng website na ito nang hindi nakakatanggap ng pahintulot mula sa magulang. Kung sa palagay ninyo ay nakakolekta kami ng personal na impormasyon mula sa isang batang wala pang 13 sa pamamagitan ng website na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa amin.

Makipag-ugnayan sa Amin

Upang makipag-ugnay sa amin patungkol sa Patakaran sa Privacy ng Website na ito at sa aming nauugnay na mga kasanayan sa privacy, mangyaring makipag-ugnay sa amin sa:

UnitedHealthcare Privacy Office
MN017-E300
PO Box 1459
Minneapolis MN 55440

Petsa kung kailan may bisa ang polisiya na ito:

Setyembre 21, 2016.

Mga Pagbabago sa Patakaran sa Pagkapribado ng Website na ito.

Maaari naming baguhin ang Patakaran sa Pagkapribado ng Website na ito anumang oras. Lalabas sa page na ito ng aming website ang mga pagbabago. Ipapaalam namin sa iyo kung gagawa kami ng mahahalagang pagbabago.

Patakaran sa Proteksyon ng Social Security Number

Pinoprotektahan namin ang pagiging kumpidensyal ng mga Social Security number (mga "SSN") gamit ang mga pisikal, electronic at pang-administratibong pag-iingat na nakakatulong na magprotekta laban sa walang pahintulot na access. Hindi namin pinapayagan ang labag sa batas na pagbubunyag ng mga SSN.

Maaaring bigyang-daan kayo ng website na ito na matingnan ang profile at nauugnay na personal na impormasyon ng inyong bisita, at humiling ng mga pagbabago sa naturang impormasyon. Kung available ang function na ito, magsasama kami ng link sa website na ito na may pamagat na gaya ng "Aking Profile".

>
Powered by Translations.com GlobalLink OneLink Software