Lumaktaw sa pangunahing nilalaman
Pangunahing Nilalaman

UnitedHealthcare Indiana Hoosier Care Connect Mga Madalas Itanong

Kung hindi ka naka-enroll sa Indiana Medicaid, maaari kang maging kuwalipikado. Para malaman kung kuwalipikado ka o kung may mga tanong ka tungkol sa iyong kasalukuyang coverage, bumisita sa in.gov/Medicaid/members, tumawag sa 1-800-403-0864, o bumisita ng lokal na tanggapan ng FSSA. May listahan ng mga lokasyon ng opisina na matatagpuan dito.

Oo, makakakuha ka ng member ID cardmula sa Planong Pangkomunidad ng UnitedHealthcare. Ang bawat miyembro ng pamilya na naka-enroll sa Hoosier Care Connect ay dapat magkaroon ng sarili nilang ID card.

Kakailanganin mo ang iyong ID card bilang miyembro para sa lahat ng pagbisita sa doktor, ospital, at pharmacist. Kung hindi mo natanggap ang iyong mga ID kard sa loob ng isang linggo mula sa petsa ng pagkakaroon ng bisa ng iyong pagpapa-enroll sa UnitedHealthcare Community Plan, kontakin ang Mga Serbisyo sa Miyembro sa 1-800-832-4643. Kung may kapansanan ka sa pandinig o pagsasalita, tawagan ang TTY sa 711.

Walang problema dahil papadalhan ka namin ng bago. Kontakin ang Mga Serbisyo sa Miyembro nang toll-free, sa 1-800-832-4643. Kung may kapansanan ka sa pandinig o pagsasalita, i-dial ang TTY: 711. Maaari ka ring pumunta sa myuhc.com/communityplan, magparehistro at mag-print ng kopya ng iyong card.

Kung lilipat ka, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa Estado ng Indiana para ipaalam ito sa kanila. Bisitahin ang in.gov/Medicaid/memberso tumawag sa 1-800-403-0864.

UnitedHealthcare Community Plan
2955 N. Meridian Street, Suite 401
Indianapolis, IN 46208

Ang Medicaid ay isang programang pinondohan ng mga pamahalaang pederal at estado, na nagbabayad para sa pangangalagang medikal para sa mga kuwalipikado. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa iba't ibang programang available sa Indiana, bumisita sa in.gov/Medicaid/members

Gusto naming marinig mula sa aming mga miyembro ang tungkol sa anumang mga katanungan, reklamo o alalahanin na maaaring mayroon ka. Kung mayroon kang karaingan, pakitawagan ang Mga Serbisyo sa Miyembro nang toll-free, sa 1-800-832-4643, TTY 711.

Kung hindi ka nasisiyahan sa pangangalaga o paggagamot ng mga Serbisyo sa Miyembro, Tagapamahala ng Pangangalaga, o provider, maaari kang maghain ng karaingan. Maaari kang maghain sa amin ng reklamo o karaingan laban sa amin (ang planong pangkalusugan) o sa isang provider anumang oras.

Maaaring maghain ang mga miyembro ng berbal na karaingan sa Mga Serbisyo sa Miyembro mula 8 AM hanggang 8 PM EST, Lunes hanggang Biyernes, sa 1-800-832-4643, TTY 711. Ang lahat ng miyembro ay maaaring maghain ng karaingan sa pamamagitan ng prosesong ito.

Maaari ka ring magpadala ng liham. Pakisama ang iyong pangalan, address, numero ng ID, ang dahilan ng iyong karaingan, at anumang iba pang impormasyon na mahalaga para sa iyo. Ang address na iyon ay:

UnitedHealthcare Grievances and Appeals
P.O. Box 31364
Salt Lake City, UT 84131-0364

Mayroon kang iba pang mga karapatan kung saan kasama ang mga apela at Patas na Pagdinig ng Estado. Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa mga reklamo at apela, kontakin ang Mga Serbisyo sa Miyembro o tingnan ang seksyong Mga Apela at Karaingan sa Handbook ng Miyembro.

Kung sa tingin mo, nangyayari ang pandaraya, pag-aaksaya o pang-aabuso, tawagan ang UHC Fraud Hotline sa 1-844-359-7736. Maaari ka ring tumawag sa Mga Serbisyo sa Miyembro sa 1-800-832-4643. Hindi namin gagamitin ang iyong pangalan sa iyong ulat. Hindi ka magkakaproblema sa pag-uulat nito. Titingnan namin ang bagay para sa iyo. Ang Estado ng Indiana ay mayroon ding libreng hotline para sa pandaraya, pag-aaksaya at pang-aabuso. Puwede kang tumawag sa 1-800-403-0864. Ang mga ulat ay maaaring gawing anonimo. Maaaring mag-dial ang mga gumagamit ng TTY sa 711 para sa lahat ng opsyon. 

Para sa karagdagang impormasyon o para mag-ulat online pumunta rito

Hindi. Libre ang lahat ng sakop na serbisyo. Tumawag kaagad sa amin kung may matatanggap kang bill. 

Hindi. Wala kang babayaran sa lahat ng sakop na gamot. Tumawag kaagad sa amin kung pinagbabayad ka para sa iyong gamot. 

Maaaring ma-access ng aming mga miyembro ang maraming espesyal na serbisyo at programa. Makipag-ugnayan sa mga Serbisyo sa Miyembro para sa higit pang impormasyon. Iniaalok namin ang:

  • Fitness membership sa lahat ng fitness club sa aming One Pass network. Bisitahin ang isa o gamitin ang lahat na ito! Kasama rito ang:
    • maraming gym at fitness center sa bansa na tulad ng YMCA at Planet Fitness
    • mahigit 20,000 (na) online fitness class tulad ng Daily Burn at Yoga Works
  • Doctor Chat: Available ang mga virtual na pagbisita 24/7, hindi kailangan ng appointment
  • Linya ng Nars: Tumawag sa nars para sa payo 24/7
  • Alternatibong Pagpapagaling: Ma-reimburse para sa mga bagay na tulad ng mga herbal na remedyo, acupuncture, masahe, o mga espesyal na bitamina
  • Buwanang mga tawag sa telepono ng tagapag-alaga upang masuportahan ang mga nangangalaga para sa iba
  • Mga Essential Box: Makipag-ugnayan sa amin at makakuha ng kaunting tulong sa paglilinis, hygiene, at mga pagkain na makakatulong sa iyong badyet
  • Mga Pagkain ni Nanay: Magpahatid ng 14 na meal sa iyong tahanan upang makakain ka nang maayos habang nagpapagaling pagkatapos manatili sa ospital. Bukas din ang programang ito sa mga miyembro na nangangailangan ng panandaliang tulong sa pagkuha ng mga grocery.
  • Tumutulong sa pagkonekta sa mga mapagkukunan para sa:
    • Libreng mobile phone at serbisyo
    • Internet at computer na kagamitan sa mga mas murang halaga
    • Suporta sa SNAP, EBT at WIC
    • Mga food pantry
    • Tulong sa utility
    • Paghahanda para sa diploma sa mataas na paaralan
    • Suporta sa pagtigil sa tabako, alak o mga droga
    • Programa na reimbursement sa mileage ng mga kaibigan at pamilya
    • At marami pa
  • Mental health at kagalingan: Libreng app na may mahuhusay na tool na makakatulong sa iyong subaybayan ang mood mo, maghanap ng mga paraan para makontrol ang stress at makakonekta sa iba
  • Mga reward para sa mga pangkalusugang aktibidad tulad ng taunang konsulta
  • Mga libreng sakay papunta sa mga food pantry
  • Libreng dagdag na pagdaan sa parmasya upang kumuha ng gamot pagkatapos ng appointment sa doktor
  • Mga libreng sakay papunta sa mga appointment sa WIC at DFR
  • Papunta Na: Libreng app para sa mga foster child at iba pang malapit na sa pagiging adult
  • Justplainclear.com – online na diksyunaryo para sa mga medikal na termino na ipinaliwanag sa simple at malinaw na paraan
  • Mga Community Health Worker: Face-to-face na suporta kapag kailangan mo nito
  • Healthy First Steps: Isang libreng programa para sa mga buntis
  • Member Advisory Committee: Ipaalam sa amin kung kumusta ang trabaho namin. Matuto pa tungkol sa iyong mga benepisyo sa Hoosier Care Connect. Dumalo sa pamamagitan ng telepono o nang personal.
     

Ang lahat ng foster child ay may nakatalagang tagapamahala ng pangangalaga sa planong pangkalusugan. Para malaman kung sino ang iyong tagapamahala ng pangangalaga, tumawag sa Mga Serbisyo sa Miyembro. Ikokonekta ka namin. Maaari mong i-coordinate at iiskedyul ang mga appointment, alamin ang tungkol sa mga sakop na benepisyo, kabilang ang mga espesyal na serbisyo sa therapy, pinahusay na programa at, kung kinakailangan, naka-customize na plano ng pangangalaga.  May ilang partikular na pagbabago sa rekord ng iyong foster child na magagawa lang ng iyong nakatalagang Tagapamahala ng Kaso ng Pamilya. Ibahagi sa amin ang impormasyon sa pag-contact ng iyong Tagapamahala ng Kaso ng Pamilya para mas madali ka naming matulungan na makuha ang pangangalagang kailangan ng iyong foster child. 

Dapat mayroon kang member ID card. Makikita mo rito ang 12 digit na numero na nagtatapos sa 99. Ito ang numero ng ID na itinalaga sa iyo ng Estado ng Indiana. Nakalista rin sa iyong ID card ng miyembro ang iyong pangunahing medical provider. Siya ang pangunahing doktor na titingin sa iyo para sa iyong mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan. Kung wala kang ID card ng miyembro, mangyaring tumawag sa Mga Serbisyo sa Miyembro. Magpapadala kami ng bagong card sa iyo. 

Oo! Maaari mong bisitahin ang Google o Apple Apps store mula sa iyong smartphone. I-download ang UnitedHealthcare Mobile App1. May kasama itong digital ID card para palagi mo itong dala. Makikita mo rin ang mga claim at maa-access mo ang pangangalaga. Mayroon kaming Linya ng Nars at Doctor Chat app na available 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo. 

Maraming libre at pribadong opsyon para sa mga email account. Ang dalawang pinakakilala ay ang Yahoo at Gmail. Nakalista sa ibaba ang mga tagubiling iyon. Kailangan ng tulong? Tumawag sa Mga Serbisyo sa Miyembro sa 1-800-832-4643. Maaaring mag-dial ang mga gumagamit ng TTY sa 711. Matutulungan ka naming mag-set up ng account.

Para mag-sign up para sa isang Yahoo mail account:

  • Bumisita sa page sa paggawa ng account (i-link ang "page sa paggawa ng account" sa: https://login.yahoo.com/account/create)
  • Ilagay ang iyong buong pangalan, ang iyong gustong email address at password, at ang taon ng iyong kapanganakan.
  • I-click ang Magpatuloy at sundin ang mga prompt upang tapusin ang pag-set up ng iyong account

Upang gumawa ng Gmail account, bisitahin ang https://accounts.google.com/signup. Mula roon:

  • Ilagay ang iyong pangalan at apelyido.
  • I-type ang iyong napiling username. Ito ang magiging unang bahagi ng iyong email address (ang bahagi na nauuna bago ang @gmail.com).
  • Ilagay ang iyong password at pagkatapos, i-type itong muli sa box na Kumpirmahin. Hindi dapat bababa sa 8 (na) character ang haba ng password at may mga pinaghalong titik, numero, at iba pang simbolo dapat ito.
  • I-click ang Susunod.
  • Kung gusto mo, maglagay ka ng email address at numero ng telepono sa pag-recover kung sakaling ma-lock out ka sa iyong bagong email address. Opsyonal ang mga hakbang na ito.
  • Ilagay ang petsa ng iyong kapanganakan at kasarian.
  • I-click ulit ang Susunod.
  • Basahin ang mga tuntunin at serbisyo at i-click ang Sumasang-ayon ako. I-enjoy ang bago mong libreng Gmail account!

Matuto pa tungkol sa iyong mga benepisyo sa Hoosier Care Connect

Powered by Translations.com GlobalLink OneLink SoftwarePowered By OneLink