I-update natin ang iyong browser para ma-enjoy mo ang isang mas mabilis at mas ligtas na karanasan sa site.
Ang QUEST Integration ng UnitedHealthcare Community Plan ay isang pinamamahalaang plano sa pangangalaga na inaalok sa pamamagitan ng Department of Human Service Med-QUEST ng Hawai‘i. Ang UnitedHealthcare Community Plan ay isang planong pangkalusugan para sa mga miyembrong kwalipikado para sa mga benepisyo sa Medicaid na may tulong ng Estado. Kabilang dito ang mga babaeng nagdadalantao, bata, nasa hustong gulang, matanda, may espesyal na pangangailangan at pamilya. Sa UnitedHealthcare Community Plan QUEST Integration, nasa mas magandang landas kayo tungo sa inyong pangangalagang pangkalusugan.
Ang pangunahing layunin namin ay tulungan kayong manatiling malusog at nagsasarili. Ang plan na UnitedHealthcare Community Plan QUEST Integration ay nag-aalok ng mga medikal na serbisyong pangkalusugan at serbisyong pangkalusugan para sa pag-iisip kabilang na ang para sa paningin, gamot at mga supply. Tumawag na sa UnitedHealthcare Community Plan QUEST Integration upang madagdagan ang nalalaman tungkol sa kung paano kayo makakakuha ng mahusay na gabay at pag-aayos ng serbisyo.
Makikipagtulungan ang aming lokal na kawani sa inyo upang isaayos ang inyong mga serbisyo at partikular na pangangailangan. Tutulong kaming gabayan ka sa kumplikadong sistema ng pangangalagang pangkalusugan, at makipagtulungan sa iyong mga doktor at kapamilya upang matulungan kang matugunan ang mga layunin mong nauugnay sa kalusugan. Narito ang Planong Pangkomunidad ng UnitedHealthcare para sa iyo sa bawat hakbang.
Matagal nang nagsasagawa ang UnitedHealthcare Community Plan ng pamamahala sa pangangalaga.
Ipagkatiwala ang kalusugan ng inyong pamilya sa UnitedHealthcare Community Plan.
Nagbibigay ang UnitedHealthcare Community Plan ng libreng tulong at serbisyo sa mga taong may kapansanan para mabisang makipag-ugnayan sa amin, tulad ng: nakasulat na impormasyon sa iba pang format (malaking print, audio, naa-access na electronic na format, iba pang format). Kung kailangan mo ang mga serbisyong ito, makipag-ugnayan sa amin nang toll-free sa 1-888-980-8728 (TTY: 711). Bibigyan ka namin ng hinihiling na impormasyon, nang wala kang babayaran sa loob ng limang (5) araw ng negosyo.
Available ang planong ito sa lahat ng county.
Mangyaring suriin ang Ang mga katotohanan tungkol sa Coronavirus (COVID-19) mula sa UnitedHealthcare. Ang karagdagang impormasyon ay matatagpuan sa FAQ tungkol sa Coronavirus (COVID-19).
Impormasyon Tungkol sa Pansamantalang Tulong sa Publiko sa Panahon ng COVID-19 Pandemic:
Sa pamamagitan ng UnitedHealthcare Community Plan QUEST Integration makakakuha ka ng:
Access sa pangangalaga
Mga benepisyo upang matulungan kang manatiling malusog
Walang gastos para sa anumang serbisyong ibinibigay sa ilalim ng iyong plano ng pakinabang
(pdf 20.28KB)
(Huling Na-update:
11/12/2020)
Kung may diabetes ka, gagawin naming mas maginhawa ang buhay para sa iyo. Makakatanggap ka ng gamot, supply, at edukasyon para matulungan kang maging at manatiling pinakamalusog.
Posibleng mangailangan ng karagdagang suporta ng ilang miyembro para ligtas na mabuhay sa bahay.
Sinasaklaw ng aming plano ang medikal na kagamitang ibinilin ng iyong doktor o tagapamahala ng kaso. Puwedeng kasama sa mga supply ang:
Mas madaling mapigilan ang sakit kaysa gamutin ito. Puwede ring magkahalaga ito ng magagandang reward.
Maaari kayong makakuha ng regalo para sa inyo o sa inyong anak sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na tulad ng:
Ang problema sa pandinig ay maaaring makaapekto sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay sa maraming paraan. Kabilang sa aming plano ang mga serbisyo at suporta upang matulungang protektahan ang iyong pandinig.
Sinasaklaw namin ang:
Pagkatapos ng surgery o malubhang sakit, posibleng kailangan mo ng karagdagang tulong sa mga pang-araw araw na gawain tulad ng paglilinis, pagluluto, o pagbibihis. Posibleng kailanganin mo rin ng medikal na pagbisita sa bahay para matingnan kung maaayos ba ang paggaling mo. Kapag may pag-apruba, saklaw ng aming plano ang:
Kailangan magkaunawaan kayo ng iyong doktor. Magiging mahirap ito kung hindi ka magaling magsalita ng Ingles. Puwede kaming mag-iskedyul para sa isang medikal na interpreter para samahan ka sa iyong mga appointment.
Mayroon din kaming mga tao sa mga serbisyo sa miyembro na nagsasalita ng higit sa isang wika. Sa malamang, mayroon kaming taong nagsasalita ng wika mo.
Malubhang medikal na kundisyon ang sakit sa kidney. Pagkatapos hindi gumana ng mga kidney, kakailanganin ng mga regular na paggamot (na tinatawag na renal dialysis) o pag-transplant ng organ. Ang dialysis ay gumagamit ng makinarya para linisin ang dugo, tulad ng ginagawang ng malulusog na kidney.
Kasama ng aming plano ang:
Napakainam na malaman nang maaga pa lang kung ano ang problema. Sinasaklaw ng aming plano ang:
Tutulungan ka naming makuha ang impormasyong kailangan upang makatulong na mapabuti ang iyong kalusugan at maibalik ka sa pinakamalusog na kundisyon.
Puwede mong makuha ang impormasyong ito sa ibang wika. Magtanong lang. Ibinibigay ito sa iyo nang walang bayad.
Pinapahalagahan namin ang iyong kapakanan. Makakatulong ang mga advocate na miyembro na malutas ang mga problema, magbigay ng pagsasanay at edukasyon, at ayusin ang mga isyung nauugnay sa mga miyembro.
Magagawa nilang:
Ang kalusugan ng pag-iisip ay kasinghalaga ng kalusugan ng pangangatawan. Kaya mayroon kaming saklaw para sa dalawang ito.
Kasama rito ang:
Maaaring dumating ang mga medikal na tanong at sitwasyon sa mga hindi magandang pagkakataon. Kapag may mga tanong ka tungkol sa iyong kalusugan, puwede kang tumawag sa nurse 24 (na) oras sa isang araw, 7 (na) araw sa isang linggo.
Gagawin ng aming mga nurse na:
Minsan kailangan ng patuloy na pangangalaga pagkatapos makalabas ng ospital o agarang pangangalaga. Halimbawa, pagkatapos ng malubhang sakit, operasyon, o pinsala. Sa ganitong mga sitwasyon, bibisita ang mga nurse sa bahay para:
Malaki ang maitutulong ng masustansyang pagkain para matulungan kang maging malusog. Puwedeng makipagkita sa iyo ang isang nutritionist para suriin ang iyong mga kagawian sa pagkain at mga pinipiling pagkain.
Magkakaroon ka ng mga bagong ideya para sa:
Napakainam na malaman nang maaga pa lang kung ano ang problema.
Sinasaklaw ng aming plano ang:
Tutulungan ka naming makuha ang impormasyong kailangan para matulungang mapahusay ang iyong kalusugan o maging pinakamalusog.
Minsan mahirap gawin nang mag-isa ang mga pangunahing kaalaman pagkatapos magkaroon ng sakit o pinsala. Kung kinakailangan, magpapadala kami ng tao para tumulong sa:
Ang pagbubuntis ay paglalakbay na mas maganda kung may kasamang tulong ng mga kaibigan, pamilya, at doktor sa pagbubuntis o OB/GYN.
Saklaw ng aming plano ang lahat ng inirerekomendang prenatal na pagbisita at pagsusuring klinikal.
Sa mga pagpapatinging ito, ang klinika ay:
Alam ng karamihan ng mga tao ang masasamang epekto ng paninigarilyo. At alam nilang kailangan nilang huminto. Sinusuportahan namin ang aming mga miyembro sa paghinto nila, sa pamamagitan ng mga coach at supply. Ang hindi lang nila makukuha mula sa amin ay sermon.
Pagkatapos ng malubhang sakit, operasyon o pinsala, posibleng kailangan mo ng karagdagang pag-alaga at therapy. Kung kinakailangan, saklaw ng aming plano ang maiikling pananatili sa rehabilitation center kung saan puwede kang magpagaling. Kabilang ang:
Mayroon ka bang mga kapamilya o kaibigan na nag-aalaga sa iyo sa tahanan?
Kung mayroon, hinihiling naming suportahan sila sa kanilang pagsusumikap. Kaya kami nagbibigay ng pansamantalang pangangalaga para makapagpahinga ang iyong mga caregiver. Ang respite na pangangalaga ay nag-aalok sa mga caregiver ng pansamantalang bakasyon malayo sa kanilang mga mahal sa buhay na may karamdaman o mga espesyal na pangangailangan sa pangangalaga.
Nakakatulong ang mga regular na iniksyon para maprotektahan ka mula sa sakit.
Kung kaya, sinasaklaw ng aming plano ang:
Nag-aalok ang maraming komunidad ng mga karagdagang benepisyo para sa mga batang nasa planong ito. Nakakatulong ang Serbisyong Panlipunan sa mga miyembro na makipag-ugnayan sa mga lokal na programa at serbisyong ito, tulad ng:
Makakatulong ang Text4baby sa mga bagong nanay at magiging nanay na panatilihing malusog ang kanilang mga sarili at kanilang mga anak.
Makakatanggap ka ng mga text message habang buntis ka at sa unang taon ng iyong anak. Naglalaman ang bawat ng text ng mga tip pangkalusugan at pangkaligtasan para sa mga paksa tulad ng:
Para magkaroon ka at ang iyong anak ng magandang umpisa sa bahay.
Para mag-sign up, pumunta sa UHCHealthyFirstSteps.com
Makakatulong ang physical, occupational at speech therapy sa iyo na gumaling mula sa malubhang pinsala o sakit, o maabot ang buo mong potensyal.
Nagbibigay ang aming plano ng:
May mga panahon na kailangan ng kalusugan mo o ng miyembro ng iyong pamila ng paulit-ulit na pagbisita sa provider ng pangunahing pangangalaga (PCP). Hindi nililimitahan ng plano namin ang bilang ng iyong pagbisita sa iyong PCP. Sa ganitong paraan nakukuha mo ang pangangalagang kailangan mo at kung kailan mo ito kailangan. At makikita ng iyong doktor kung paano bumubuti ang iyong kalusugan.
Posibleng mayroon kang pinsala o biglaang sakit na hindi nakamamatay pero kailangan ng agarang atensyon. Saklaw ng aming plano ang pangangalaga sa:
Maaaring matukoy kaagad ang mga problema sa kalusugan sa mga pagpapatinging ito upang magamot ang mga ito.
Mga pang-iwas na serbisyo :
QUEST Integration Program ng UnitedHealthcare Community Plan
Ginagawang available ang link na ito upang maaari kang makakuha ng impormasyon mula sa website ng third-party. Ibinibigay lang ang link na ito bilang kaginhawahan at hindi isang pag-eendorso ng nilalaman ng website ng third-party o anumang mga produkto o serbisyong inialok sa website na iyon. Wala kaming pananagutan para sa mga produkto o serbisyong inialok o sa nilalaman ng anumang naka-link na website o anumang link na nilalaman ng isang naka-link na website. Hindi kami gumagawa ng anumang mga pahayag tungkol sa kalidad ng mga produkto o serbisyong inialok, o sa content o katumpakan ng mga materyal sa naturang mga website.