Hmm … mukhang luma na ang inyong browser.
I-update natin ang inyong browser para ma-enjoy ninyo ang isang mas mabilis at mas ligtas na karanasan sa site.
MAHALAGA! Naka-enroll ka ba sa Med-QUEST?
Nagbago ba ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa nakalipas na dalawang taon? Mangyaring i-update ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa amin upang manatili kang nakatala. Tawagan kami nang walang bayad sa 1-888-980-8728 o mag-log in sa iyong account dito upang gawin ang pagbabago. Mahalo!
Maligayang Pagdating sa Planong Pangkomunidad ng UnitedHealthcare sa Hawai'i

Matutunan ang tungkol sa mga uri ng plano

Mga Dual Special Needs Plan (DSNP)
Ang mga dual special needs plan (tinatawag ding mga “dual” plan) ay para sa mga taong may Medicare at Medicaid. Sinasaklaw ng mga dual plan ang mga pagpapatingin sa doktor, pananatili sa ospital, at inireresetang gamot. Nag-aalok ang mga ito ng mas maraming benepisyo at karagdagang tampok kaysa sa Original Medicare. Mapapanatili mo rin ang lahat ng benepisyo mo sa Medicaid.

Mga Plan ng Medicaid
Ang Medicaid ay isang insurance sa kalusugan para sa mga taong mababa ang kita. Maaari kang makakuha ng Medicaid kung ikaw ay buntis, may mga anak, o namumuhay nang may kapansanan. Sa ilang kaso, maaari ding maging kwalipikado ang iba pang nasa hustong gulang. Mababa ang gagastusin mo at nakabatay ito sa kakayahan mong magbayad. Mahalagang malamang magkakaiba sa bawat estado ang mga patakaran at saklaw ng Medicaid.
Balita at Mga Espesyal na Anunsyo
- Nawalan ka ba ng trabaho kamakailan? Maaaring mas madali kaysa sa iniisip mo ang pagkuha ng QUEST Integration (Medicaid). Walang copay para sa mga saklaw na serbisyo.
- Bisitahin ang medical.mybenefits.hawaii.gov para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagiging kwalipikado o para mag-apply.
- Kinikilala para sa kahusayan sa pangangalagang pangkalusugan ng maraming kultura. Kamakailang natanggap ng Planong Pangkomunidad ng UnitedHealthcare ang Award of Excellence ng NCQA Multi-Cultural Health Care Distinction.
Mga Itinatampok na Programa

Nawalan ka ba ng trabaho kamakailan?
Mas maraming tao na ngayon ang kwalipikado para sa QUEST Integration (Medicaid). Tingnan kung kwalipikado ka rin. Walang copay para sa mga saklaw na serbisyo.
Bisitahin ang medical.mybenefits.hawaii.gov para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagiging kwalipikado o para mag-apply.

UnitedHealthcare Healthy First Steps®
Bumuo ng malusog na hinaharap para sa iyo at sa anak mo, at makakuha ng magagandang reward. Tumutulong ang aming programang UnitedHealthcare Healthy First Steps® na panatilihin ka at ang anak mong malusog habang buntis ka at sa unang 15 (na) buwang buhay ng iyong sanggol.
Magbasa Pa
Tutulungan ka namin:
- Pumili ng provider sa pagbubuntis at isang pediatrician (doktor ng bata).
- Mag-iskedyul ng mga pagpapatingin at pagsusulit at ayusin ang mga pagbiyahe papunta sa mga pagpapatingin mo.
- Makakuha ng mga reward para sa pagpunta sa mga pagpapatingin sa kabuuan ng iyong pagbubuntis at sa unang 15 (na) buwan ng buhay ng sanggol.
- Kumuha ng mga supply, kabilang ang mga breast pump para sa mga nagpapasusong ina.
- Kumonekta sa mga mapagkukunan sa komunidad tulad ng mga serbisyo sa Women, Infants and Children (WIC).

Mga Serbisyo sa Kalusugan ng Pag-iisip
Ang kalusugan ng pag-iisip ay kasinghalaga ng kalusugan ng pangangatawan. Kung kaya’t mayroon kaming saklaw para sa dalawang ito.
Ang kinakailangang pangangalaga ay sinasaklaw nang 100% nang walang co-pay, kasama ang pagsusuri at diagnosis, behavioral therapy at gamot.
Magbasa Pa
Matutulungan ka ng mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip sa mga personal na problema na maaaring makaapekto sa iyo at/o sa pamilya mo. Ang mga problemang ito ay maaaring stress, depresyon, pagkabalisa, o paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot o pag-inom ng alak. Makakatulong kami.

Online na ngayon ang aming newsletter sa HealthTalk. Ang mga newsletter ay mahusay na paraan upang malaman ang tungkol sa aming planong pangkalusugan at mahahalagang paksa sa kalusugan.
Maaari mo itong mabasa kahit kailan, saan mo man gusto. Bumalik dito tuwing tatlong buwan para sa isang bagong edisyon.
Ingles | Korean | Ilocano | Traditional Chinese | Vietnamese

Tumigil sa paninigarilyo. Makakatulong kami.
Pagkatigil mo, nagsisimula ang iyong katawang ayusin ang pinsalang dinulot ng paninigarilyo.
Mahirap subukang itigil ang paninigarilyo. Ngunit sulit ang lahat ng benepisyo sa pagtigil. Alam mo bang 20 minuto pagkatapos mong tumigil, bumababa sa normal na antas ang rate ng puso mo? At 12-24 (na) oras pagkatapos tumigil, bumababa sa normal ang antas ng carbon monoxide sa iyong dugo. Sinusuportahan namin ang aming mga miyembrong sumusubok na tumigil.
Magbasa Pa
- Bisitahin ang iyong doktor upang makakuha ng payo at mga gamot na makakatulong sa iyong tumigil. Matutulungan ka naming mag-iskedyul ng appointment.
- Ang mga gamot ay may iba't ibang anyo tulad ng mga patch, gum, lozenge, at tableta. Nasasaklawan ng iyong mga benepisyo ang karamihan sa mga ito. Matutulungan ka rin naming maunawaan ang iba mo pang benepisyo.

Pagtuturo tungkol sa Nutrisyon
Malaki ang maitutulong ng masustansyang pagkain para matulungan kang maging malusog. Puwedeng makipagkita sa iyo ang isang nutritionist para suriin ang iyong mga kagawian sa pagkain at mga pinipiling pagkain.
Magkakaroon ka ng mga bagong ideya para sa:
- Paggawa ng mabubuting desisyon para sa mabilis ihandang pagkain at merienda.
- Paghahanda ng masusustansyang pagkaing pasok sa badyet.
Edukasyong Pangkalusugan

Malusog na timbang. Pag-eehersisyo.
Hindi kailangang maging mahirap ang pagbabawas ng timbang. Ang pag-eehersisyo ay isa sa mga pinakamagandang paraan. Subukan mong mag-ehersisyo nang 60 (na) minuto o higit pa araw-araw. Hindi kailangang gumawa ka ng mahihirap na ehersisyo o pumunta ka sa gym araw-araw. Igalaw mo lang ang katawan mo. Narito ang ilang tip:
Gumalaw! Ang pagsasayaw sa iyong mga paboritong tugtog ay makakatulong sa iyong magbawas ng mahigit 300 (na) calories sa isang oras.
Magbasa Pa
Kung naglalaro ka ng mga video game, maglaro ng mga interactive kung saan kailangan mong gumalaw. Hindi mo rin kailangang umalis sa bahay para gumalaw - subukan ang mga ehersisyo tulad ng jumping jacks, pagmamartsa nang hindi umaalis sa puwesto, pag-akyat at pagbaba sa hagdan, push-up, o sit-up sa bahay.
Maglakad! Maglakad sa labas kasama ang isang kaibigan. Maglakad kasama ang iyong aso o aso ng kapitbahay mo, o maglakad kasama ang pusa mo! Sa halip na magmaneho, maglakad o magbisikleta papunta sa paaralan o sa bahay ng isang kaibigan.
Maglinis! I-vacuum ang iyong kuwarto. Linisin ang kotse. Tabasin ang damuhan. Matutuwa ang mga magulang mo, at isa pa itong pagkakataon para mas makapag-ehersisyo ka, at marahil ay magsaya.
Mag-unplug! Limitahan ang iyong oras ng panonood ng TV o paggamit ng smartphone, computer o iba pang device mo. Panatilihing mas mababa sa dalawang oras ang oras ng pagharap mo sa screen sa isang araw. Kapag nanonood ka ng TV o ginagamit mo ang iyong telepono - subukang magmartsa nang hindi umaalis sa pwesto o mag-ehersisyo habang nanonood/naglalaro ka.

Malusog na timbang. Masustansyang pagkain.
Malusog na Timbang. Malusog na Ikaw.
Kapag kumakain ka ng mas maraming calories kaysa sa ginagamit mo, iniimbak ng katawan mo ang sobrang calories bilang taba. Hindi masama para sa nakararami ang kaunting dagdag na timbang, pero maaaring masama para sa iyong kalusugan ang labis na dagdag na timbang at labis na taba sa katawan.* Tinawag ito ng mga doktor na "sobra sa timbang" o "napakataba."
Magbasa Pa
Gumagamit ang mga doktor ng panukat na tinatawag na body mass index (BMI), kung saan ginagamit ang iyong taas at iyong timbang para matukoy kung gaano karaming taba ang mayroon ka. Ang pinakamagandang paraan para manatili sa isang malusog na timbang o para magbawas ng timbang ay mahusay na piliin ang pagkain. Narito ang ilang madaling paraan upang magawa iyon araw-araw:
- Subukang kumain ng mas maraming gulay at prutas kaysa sa anupamang uri ng pagkain hangga't maaari.
- Pumili ng mga pagkaing mababa ang calories o bawasan ang dami ng bawat pagkain kapag kumakain sa labas.
- Pumili ng masusustansyang side dish tulad ng mga hiwa ng mansanas o apple sauce sa halip na french fries. Kung gusto mo talagang kumain ng fries, subukang kumain muna ng anumang masustansya tulad ng salad, mga hiwa ng mansanas, o apple sauce, pagkatapos ay makipaghati ng kaunting fries sa ilang ibang tao.
- Uminom ng tubig o gatas sa halip na soda.
- Suriin ang label - alam mo ba ang lahat ng sangkap? Kung hindi, posibleng marami itong labis na sangkap na hindi mo kailangan, kaya maghanap ng iba pang mapagpipilian. Subukan ang mga mani o mga whole grain cracker halip na mga chip.
- Subukang palitan ang mga matamis na meryenda ng mga bagay tulad ng yogurt o pinatuyong prutas (na walang idinagdag na asukal). Kung mahilig ka sa matamis, tumikim nang kaunti ng paborito mong matamis na pagkain isang beses sa isang araw.

Depresyon
Ang depresyon ay isang totoong sakit. Nagagamot ito.
Maaari mong maramdamang bumalik ka na sa dati mong sarili. Ang depresyon ay isang sakit tulad ng diabetes o sakit sa puso. Ang unang hakbang ay tanggapin na kailangan mo ng tulong. Ang pangalawang hakbang ay makipag-usap sa iyong doktor.
Magbasa Pa
Maaaring kasama sa mga karaniwang palatandaan ng depresyon ang:
• Pakiramdam na hindi nasisiyahan, nanlulumo, o nalulungkot araw-araw o pakiramdam na walang halaga, nagkakasala, walang magawa, o walang pag-asa.
• Walang gana sa mga libangan, aktibidad, at taong kinasisiyahan mo dati.
• Nahihirapang matulog o natutulog nang higit sa karaniwan, o pakiramdam na pagod, mahina, o mababa ang lakas.
• Walang gana sa pagkain o kumakain nang sobra.
• Nahihirapang magtuon, umalala ng mga bagay, o magpasya.
• Iniisip o binabanggit ang tungkol sa pagpapakamatay. Tumawag sa National Suicide Hotline: 1-800-273-8255

Paano ka naaapektuhan ng stress
Kapag nase-stress ka, alam ito ng iyong katawan. Nagsisimulang bumilis ang tibok ng puso mo at tensyonado ang mga kalamnan mo. Paminsan-minsan ay nase-stress ang lahat ng tao sa kanilang buhay. Ngunit ang palaging pagka-stress ay maaaring magkaroon ng mga negatibong epekto sa kalusugan ng iyong pangangatawan at isip.
Magbasa Pa
Maaari itong makaapekto sa:
Pantunaw. Pinapabagal ng stress ang paglabas ng acid ng sikmura at nagiging sanhi ito ng mas mabilis na pagtatrabaho ng bituka. Maaari itong magresulta sa sakit ng tiyan o pagtatae.
Bilis ng tibok ng puso at mga daluyan ng dugo. Maaaring bumilis ang tibok ng iyong puso, tumaas ang presyon ng dugo at ang kolesterol. Pinapataas nito ang iyong panganib sa
mga atake sa puso at stroke.
Immune System. Pinapabagal ng stress ang paghilom ng sugat. Mas malaki din ang posibilidad na sipunin at maimpeksyon ka.
Timbang Pinapagana ka ng stress sa mga fat at carbohydrate. Kung tataba ang bandang tiyan mo, mas mataas ang
panganib mong magkaroon ng sakit sa puso at diabetes.
Kalusugan ng pag-iisip. Ang stress ay nagdudulot sa iyo ng tensyon at pagkabalisa. Maaari itong humantong sa depresyon, sakit ng ulo, o iba pang problema tulad ng problema sa pagtulog.
Muling ibalik ang iyong balanse. Kung nanaig na ang stress sa buhay mo, narito ang ilang ideya upang mabawi mo ang kontrol:
Maglaan ng oras para sa regular na pag-eehersisyo. Sumangguni sa iyong doktor para makita kung anong mga uri ng ehersisyo ang tama para sa iyo.
- Gumawa ng mga bagay na ikinasisiya mo.
- Alamin kung paano mag-relax.
- Tratuhin nang mabuti ang iyong sarili.
Kung problema mo pa rin ang iyong stress, makipag-usap sa doktor mo. Maaari siyang magrekomenda ng taong makakatulong sa iyo na makahanap ng iba pang paraan para mapamahalaan ang iyong stress.

Gamot sa depresyon
Mga tanong, sagot, at kapaki-pakinabang na payo.
Tiyaking regular na magpatingin sa iyong doktor. Lalo na sa simula ng pag-inom mo ng gamot sa depresyon. O kapag binago ang dosis.
Magbasa Pa
Paano ko malalamang may bisa ang gamot ko?
Maging mapagpasensya. Bigyan ito ng panahon para gumana. Gumagaan ang pakiramdam ng karamihan sa mga tao pagkatapos ng ilang linggo. Dapat mabawasan ang pagkapagod o pag-aalala mo nang unti-unti. Maaaring matagalan bago mo makuha ang buong benepisyo mula sa mga gamot mo.

Diabetes

Hika
Ginagawang available ang link na ito upang maaari kayong makakuha ng impormasyon mula sa website ng third-party. Ibinibigay lang ang link na ito bilang kaginhawahan at hindi isang pag-eendorso ng nilalaman ng website ng third-party o anumang mga produkto o serbisyong inialok sa website na iyon. Wala kaming pananagutan para sa mga produkto o serbisyong inialok o sa nilalaman ng anumang naka-link na website o anumang link na nilalaman ng isang naka-link na website. Hindi kami gumagawa ng anumang mga pahayag tungkol sa kalidad ng mga produkto o serbisyong inialok, o sa content o katumpakan ng mga materyal sa naturang mga website.