I-update natin ang iyong browser para ma-enjoy mo ang isang mas mabilis at mas ligtas na karanasan sa site.
Ang “mga espesyal na pangangailangan” ay malawak na terminong naglalarawan sa mga taong maraming kinakaharap na hamon. Maaaring may kapansanan ka. O kaya ay mayroon kang malubhang medikal na problema sa kasalukuyan. Maaari ding maging dahilan ang pagkakaroon ng mababang kita. Ipinapaliwanag sa artikulong ito ang iba't ibang uri ng mga planong pangkalusugan para sa mga taong may mga espesyal na pangangailangan. Kung ito ay para sa iyo, para sa isang miyembro ng pamilya o kung isa kang caregiver, magandang malaman ang lahat ng iyong opsyon.
Kung kwalipikado ka para sa dual na plano, malamang na masaklaw ang karamihan sa iyong mga gastos.
Ang Mga Plano Para sa Mga Espesyal na Pangangailangan ng Medicare (Special Needs Plans o SNPs) ay isang uri ng Medicare Advantage Plan. Dapat saklawin ng lahat ng Medicare Advantage plan ang parehong mga serbisyo ng Medicare. Pero may ilang SNP ng Medicare na para sa mga taong may mga partikular na sakit o kinakaharap na hamon. Maaaring iangkop ng mga planong ito ang mga pagpipilian ng mga pakinabang, mga doktor, at gamot upang tumugma sa mga pangangailangan ng mga grupong sineserbisyuhan ng mga ito.
Kung mayroon kang Medicaid at Medicare, malamang na masaklaw ang karamihan sa iyong mga gastusin. Kung wala kang Medicaid, maaaring nakadepende ang iyong mga eksaktong gastusin sa planong pipiliin mo. Sa pangkalahatan, babayaran mo ang mga pangunahing gastos sa pagkakaroon ng Medicare Advantage plan.
Pakitandaan: Ang maaari ninyong makuhang mga dual-eligible na plano ay nakasalalay sa lugar na tinitirhan ninyo. Upang maghanap ng UnitedHealthcare Dual Complete® na plano para sa inyo, mangyaring maghanap ng mga plano sa inyong estado.
Pumunta sa UHCMedicareSolutions.com upang malaman ang higit pa tungkol sa iniaalok naming C-SNPs, I-SNPs, at IE-SNPs.
Salamat, paparating na ang inyong Gabay.