Paano mahahanap ang naaangkop na doktor kapag mayroon kang Medicaid at Medicare.
Na-post: Hunyo 19, 2020
I-update natin ang iyong browser para ma-enjoy mo ang isang mas mabilis at mas ligtas na karanasan sa site.
Na-post: Hunyo 19, 2020
Wala nang mas mahalaga o mas personal pa kaysa sa iyong kalusugan. Kung kaya naman napakahalaga ng iyong mga pakikipag-ugnayan sa iyong mga doktor. Malaking tiwala ang ibinibigay mo sa iyong mga doktor sa paggabay sa iyo dahil gusto mong matiyak na nakakagawa ka ng mga pinakamainam na desisyon para sa iyong pangangalaga. Tutulungan ka sa artikulong ito na maghanap ng mga bihasang doktor na nasisiyahang magserbisyo sa mga taong may Medicaid at Medicare.
Isang magandang tanong iyan para sa iyong sarili. Kung problema ang transportasyon, maaaring mahalaga ang pagkakaroon ng doktor sa malapit o doktor na madaling mapuntahan. Marahil ay gusto mo ng doktor na nagsasalita ng wikang kapareho sa iyo. O kaya, kung mayroon kang partikular na kundisyon o kapansanan, maaaring maghanap ka ng isang taong nangangalaga ng iba pang pasyenteng may mga katulad na hamong kinakaharap.
Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga, o PCP, ay ang pangunahing doktor na kinokonsulta mo para sa karamihan ng iyong pangangalaga. Alam ng iyong PCP ang tungkol sa personal na kasaysayan ng kalusugan mo at siya ang mangangasiwa sa mga eksaminasyon para sa kagalingan at pangangalaga para maiwasan ang pagkakasakit. Ire-refer ka rin ng iyong PCP sa iba pang espesyalista. Halimbawa, kung kailangan mong kumonsulta sa isang tao para sa pagpapayo para sa kalusugan ng isip, pisikal na therapy o iba pang espesyal na pangangalaga, ang iyong PCP ang mag-aayos ng lahat.
Ang pag-enroll sa isang dual na planong pangkalusugan ay hindi awtomatikong nangangahulugan na kailangan mong magpalit ng doktor. Malaki ang posibilidad na tumatanggap din ng UnitedHealthcare na insurance ang iyong mga kinokonsultang doktor sa kasalukuyan. Madali mo itong malalaman sa aming mga provider na nasa network. Para sa mga magpapalit ng doktor, marami ang nagsasabing sulit itong gawin dahil sa lahat ng karagdagang pakinabang na natatanggap nila sa pamamagitan ng dual na planong pangkalusugan.
Pinapadali sa aming online na tool sa paghahanap ang paghahanap ng doktor, espesyalista, o iba pang provider na nasa network na malapit sa iyo. Ilagay lang ang iyong ZIP code. Pagkatapos ay maaari ka nang maghanap ayon sa pangalan ng doktor, uri ng pangangalaga, pasilidad, mga serbisyo at paggamot upang mahanap ang eksaktong kailangan mo. Makikita mo kung tumatanggap sila ng mga bagong pasyente, kung tumatanggap sila ng Medicare at higit pa.
Pakitandaan: Ang maaari ninyong makuhang mga dual-eligible na plano ay nakasalalay sa lugar na tinitirhan ninyo. Upang maghanap ng UnitedHealthcare Dual Complete® na plano para sa inyo, mangyaring maghanap ng mga plano sa inyong estado.
Salamat, paparating na ang inyong Gabay.