Hmm … mukhang luma na ang inyong browser.
I-update natin ang inyong browser para ma-enjoy ninyo ang isang mas mabilis at mas ligtas na karanasan sa site.
Ganap vs. partial na dual eligibility — ano ang pagkakaiba?
Na-post: Hulyo 12, 2022
Petsa noong huling na-update: Disyembre 02, 2022
Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng ganap na dual eligibility?
Ang dual eligible ay nangangahulugan na kwalipikado ang isang tao para sa parehong Medicaid at Medicare. Upang magkaroon ng ganap na dual eligibility, nangangahulugan ito na kwalipikado ka para sa kumpletong benepisyo ng Medicaid ng estado gayundin para sa Medicare. Ang isang taong kwalipikado para sa ganap na dual eligibility ay maaari ding maging kuwalipikado para sa isang Dual Special Needs Plan (D-SNP).* Ito ay isang uri ng Medicare Advantage plan na nag-aalok ng mga karagdagang benepisyo na higit pa sa tradisyonal na Medicare at Medicaid.
Binabayaran ng Medicare ang karamihan sa mga saklaw na pangangalaga at mga benepisyo, ngunit binabayaran ng Medicaid ang ilang gastos mula sa sariling bulsa para sa mga copay, coinsurance, naibabawas at premium. Sinasaklaw din ng Medicaid ang mga benepisyong hindi saklaw ng Dual Special Needs Plan, gaya ng pangmatagalang pangangalaga.
Kunin ang inyong libreng gabay sa dual na plano
Lahat ng kailangan ninyong malaman tungkol sa Mga Dual Special Needs na Plan sa isang madaling maunawaang gabay.
Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng partial na dual eligibility?
Ang partial na dual eligibility ay nangangahulugang kwalipikado ang isang tao para sa Medicare Savings Program (MSP). Ang mga MSP ay pinamamahalaan ng programang Medicaid sa bawat estado. Bagama’t sinasaklaw ng mga MSP ang ilang partikular na gastos sa Medicare, tulad ng mga premium sa Bahagi A at Bahagi B ng Medicare, hindi nakakatanggap ang mga taong may partial na dual eligibility ng kumpletong medikal na benepisyo ng Medicaid.
Ang isang tao na kwalipikado para sa partial na dual eligibility ay maaari ding maging kwalipikado para sa isang Dual Special Needs Plan (D-SNP).* Bagama’t binabayaran ng Medicare ang karamihan sa saklaw na pangangalaga at mga benepisyo, ang mga partial na dual eligible naman ang responsable para sa mga gastos na mula sa sariling bulsa.
Paano nakakatulong ang isang Medicare Savings Program (MSP) sa mga partial na dual eligible?
Kapag kumukuha ng pangangalagang medikal ang mga miyembro ng Medicare, hindi sinasaklaw ng Medicare ang buong halaga ng mga serbisyo. Ang halagang natitira, na tinatawag na bahagi sa gastos o gastos mula sa sariling bulsa, ay responsibilidad na bayaran ng miyembro ng Medicare. Maaaring tawagin ang mga ito na premium, copay, coinsurance o naibabawas. Sa mga MSP, tumutulong ang programang Medicaid ng estado na bayaran ang ilan sa mga gastusing ito para sa mga partial na dual eligible. Ang halaga ng tulong (o pagbabahagi sa gastos) na ibinibigay ng Medicaid ay pangunahing nakadepende sa mga 2 bagay na ito:
- Magkano ang kinikita ng tao (kita)
- Magkano ang kanilang ari-arian (mga asset) — gaya ng bahay
Para sa mga taong hindi ganap na dual eligible, maaaring tumulong ang Medicaid na saklawin ang ilan sa mga gastos mula sa sariling bulsa para sa saklaw ng Medicare
May 4 iba't ibang uri ng partial na dual eligibility
Ang 4 mga kategorya ng partial na dual eligibility ay:
- Kwalipikadong Makikinabang sa Medicare (QMB)
Ang programang QMB ay tumutulong na magbayad ng mga premium para sa Bahagi A ng Medicare(insurance sa ospital) at Bahagi B ng Medicare(medikal na insurance). Ang mga miyembrong karapat-dapat sa QMB ay nakakakuha rin ng saklaw sa bahagi sa gastos para sa mga copay, naibabawas at coinsurance. - Tinukoy na Benepisyaryo ng Medicare na May Mababang Kita (Specified Low Income Medicare Beneficiary o SLMB)
Ang programa ng SLMB ay tumutulong na magbayad lang ng mga premium para sa Bahagi B ng Medicare (medikal insurance). - Kwalipikadong Indibidwal (QI)
Ang programang QI ay tumutulong na magbayad ng mga premium para sa Bahagi B ng Medicaid (medikal na insurance), ngunit ang mga miyembrong ito ay maaaring magkaroon ng mas mataas na kita kaysa sa SLMB. - Mga Kwalipikadong May Kapansanan at Nagtatrabahong Indibidwal (QDWI)
Ang programang QDWI ay tumutulong na magbayad ng mga premium sa Bahagi A ng Medicare (insurance sa ospital). Ito ay para sa mga taong may kapansanan ngunit bumalik na sa trabaho. Bilang resulta, nawala sa kanila ang kanilang walang premium na saklaw ng Bahagi A ng Medicare.
Humingi ng tulong upang maghanap ng dual eligible na planong pangkalusugan
Sa palagay mo ba, ikaw, ang isang miyembro ng pamilya o ang isang taong inaalagaan mo ay kwalipikado bilang isang ganap o partial na dual eligible? Maaari mong gamitin ang field ng paghahanap sa ibaba upang makita kung anong mga plano ang available sa iyong lugar. Kung hindi ka sigurado, tawagan kami at makipag-usap sa isa sa aming mga lisensyadong ahente. Ipapaliwanag nila ang lahat ng pagpipilian at tutulungan ka nilang mahanap ang tamang dual-eligible na planong pangkalusugan para sa iyo.
Tumawag sa 1-844-812-5967, TTY: 711
8 a.m. - 8 p.m. lokal na oras, 7 (na) araw sa isang linggo. Se habla español.
*Ang saklaw para sa mga taong kwalipikado para sa partial na dual eligibility ay available lamang sa ilang partikular na lugar.
Tingnan ang mga UnitedHealthcare plan sa iyong lugar
Maaaring magbago ang mga benepisyo ng dual-eligible o Medicaid plan depende sa kung saan ka nakatira. Maghanap gamit ang iyong ZIP code upang makita ang pinakaangkop na planong nakatutugon sa iyong mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan.