Hmm … mukhang luma na ang inyong browser.
I-update natin ang inyong browser para ma-enjoy ninyo ang isang mas mabilis at mas ligtas na karanasan sa site.
Mga madalas itanong para sa mga taong may Medicaid at Medicare
Mga pinakamadalas na itinatanong
Bahagi ba ang UnitedHealthcare ng Medicare?
Ang mga planong pangkalusugan ng UnitedHealthcare ay iniaalok ng United Healthcare Insurance Company at ng aming mga kaakibat. Nakikipagtulungan kami (at ang iba pang pribadong kumpanya ng seguro) sa mga ahensiya ng pederal at ng estado para magkapagbigay ng segurong pangkalusugan na itinataguyod ng pamahalaan. Hindi kami bahagi ng Medicare. Nakikipagtulungan kami sa Centers for Medicare & Medicaid Services (CMS) at sa pamahalaan ng maraming estado para magbigay ng saklaw sa kalusugan para sa mga tumatanggap ng Medicare at Medicaid. Alamin ang higit pa tungkol sa Medicare.
Ano ang Dual na Plano para sa Mga Espesyal na Pangangailangan (dual special needs plan o D-SNP)?
Ang Mga Dalawahang Plano para sa mga Espesyal na Pangangailangan (tinatawag ding mga dalawahang planong pangkalusugan o mga D-SNP kapag pinaikli) ay para sa mga taong kwalipikado para sa Medicare at Medicaid. Nakikipagtulungan ang dual na planong pangkalusugan sa inyong planong pangkalusugan ng Medicaid. Mapapanatili ninyo ang lahat ng inyong pakinabang ng Medicaid. Sinasaklaw ng mga dual na planong pangkalusugan ang mga kwalipikadong pagbisita sa doktor, mga pananatili sa ospital at resetang mga gamot.1 Para sa mga taong kwalipikado, ang mga dual na planong pangkalusugan ay maaaring mag-alok ng mas maraming benepisyo sa kalusugan kaysa sa Original Medicare at ng hiwalay na planong Part D.
Mga dual na planong pangkalusugan ay:
- Idinisenyo para sa mga taong maaaring nangangailangan ng karagdagang tulong dahil sa mga kapansanan, edad at/o mga kondisyong pangkalusugan
- Nagbibigay ng mas maraming benepisyo kaysa sa Original Medicare1
- Iniaalok ng mga pribadong kompanya ng seguro tulad ng UnitedHealthcare
- Walang karagdagang gastos
1Nag-iiba-iba ang mga benepisyo, feature at/o aparato ayon sa plano/lugar. May mga nalalapat na limitasyon at pagbubukod.
(Kahit na mayroong kang premium — ito ang halaga na babayaran mo para sa seguro — maaari kang maging kwalipikado para sa mga subsidy sa may mababang kita para makatulong sa gastos.) Alamin ang higit pa tungkol sa Mga Dalawahang Plano para sa mga Espesyal na Pangangailangan.
Sino ang maaaring maging kwalipikado para sa Medicaid?
Sa lahat ng estado, nagbibigay ang Medicaid ng saklaw sa kalusugan para sa ilang taong may mababang kita, pamilya at bata, buntis, matatanda, at taong may mga kapansanan. Sa ilang estado, sinasaklaw ng Medicaid ang lahat ng nasa hustong gulang na mas mababa ang kita kaysa sa isang partikular na antas ng kita.
Ano ang mga kinakailangan para sa pagiging kwalipikado sa Medicaid?
Ang eksaktong mga kinakailangan para maging karapat-dapat para sa Medicaid ay nakadepende sa kung saan ka nakatira. Para malaman kung ikaw ay karapat-dapat para sa Medicaid sa iyong estado, bisitahin ang website para sa Medicaid sa iyong estado. Pagkatapos ay tingnan ang mga kinakailangan para sa pagiging karapat-dapat.
Makikita mo ang link sa website para sa ahensya ng Medicaid sa iyong estado sa pahina na "Mga Detalye ng Plano" para sa bawat planong pangkalusugan na iniaalok ng UnitedHealthcare Community Plan. Para makita ang mga plano na makukuha sa iyong lugar, mangyaring gamitin ang feature na paghahanap sa aming home page sa UHCCommunityPlan.com.
Maaari ba akong magkaroon ng Medicaid at pribadong seguro?
Ang Medicaid ay isang programa sa pangangalagang pangkalusugan na pinamamahalaan sa antas ng estado ng bawat pamahalaan ng estado. Gayunpaman, hindi mga pamahalaan ng estado ang aktwal na nagbibigay ng segurong pangkalusugan. Nakikipagkontrata ang mga pamahalaan ng estado sa mga pribadong kompanya ng seguro tulad ng UnitedHealthcare para magbigay ng saklaw sa kalusugan para sa mga makikinabang sa Medicaid at iba pang programa ng pamahalaan sa pangangalagang pangkalusugan. Ang aming mga planong pangkalusugan na itinataguyod ng pamahalaan ay pinatatakbo sa ilalim ng pangalang UnitedHealthcare Community Plan.
Ano ang Medicare?
Ang Medicare ay isang pambansang programa ng segurong pangkalusugan na pinamamahalaan ng pederal na pamahalaan. Ito ay para sa mga taong edad 65 at mas matanda, at para rin sa mga taong walang 65 (na) taong gulang na may mga partikular na kapansanan. Alamin ang higit pa tungkol sa Medicare.
Ano ang Medicaid?
Ang Medicaid ay isang programa ng pederal at ng estado na nagbibigay ng saklaw sa pangangalagang pangkalusugan sa mga taong kwalipikado. Nagpapatakbo ang bawat estado ng sarili nitong programang Medicaid, ngunit ang pamahalaang pederal ay may mga patakaran na dapat sundin ng lahat ng estado. Nagbibigay din ang pamahalaang pederal ng hindi bababa sa kalahati ng pondo para sa kanilang mga kinakailangan sa Medicaid. Matuto pa tungkol sa Medicaid at sa sinasakop ng Medicaid.
Kapag mayroon kang dalawahang plano sa UnitedHealthcare, kailangan mo bang kumuha ng referral para makapunta sa isang espesyalista?
Hindi. Hindi kailangan ang mga referral para makatanggap ng pangangalaga mula sa sinuman o alinmang doktor, ospital o klinika sa loob ng network.
Ano ang mga karaniwang pakinabang na kadalasang sinasaklaw ng mga dalawahang plano ng UnitedHealthcare?
Kadalasang sinasaklaw ng aming mga dalawahang plano ang pangangalaga para makaiwas sa sakit at mga regular na serbisyo na wala kang dagdag na babayaran. Nag-aalok din kami ng tulong sa pagkoordina ng mga pakinabang sa Medicaid. Kabilang sa iba pang karaniwang pakinabang na kadalasang sinasaklaw ng aming mga dalawahang plano ang:
- Dental
- Paningin
- Pandinig
- Tulong sa transportasyon
- Hotline ng pangangalaga]
- At marami pang ibang benepisyo at tampok1
1Nag-iiba-iba ang mga benepisyo, feature at/o aparato ayon sa plano/lugar. May mga nalalapat na limitasyon at pagbubukod.
Gaano kadalas maaaring lumipat ng plano ang mga miyembro sa mga Dual Special Needs na plano?
Ang mga miyembro sa Mga Dual Special Needs na Plano (mga D-SNP) ay maaaring sumali, lumipat o umalis ng kanilang plano nang 1 beses sa bawat 3 buwang panahon ng pag-enroll. Ang mga panahong ito ay Enero hanggang Marso; Abril hanggang Hunyo; at Hulyo hanggang Setyembre.
Kung gagawa ka ng pagbabago, magkakaroon ito ng bisa sa unang araw ng susunod na buwan. Maaari ka ring gumawa ng mga pagbabago sa iyong saklaw sa Panahon ng Taunang Pag-enroll mula Okt. 15 hanggang Dis. 7. Kung gayon, magkakaroon ng bisa ang iyong mga pagbabago sa Ene. 1 ng susunod na taon. Alamin pa ang tungkol sa mga panahon ng pag-enroll sa Medicare.
Ano ang pag-coordinate ng mga benepisyo?
Nalalapat ang pag-coordinate ng mga benepisyo (Coordination of Benefits, COB) sa mga taong may saklaw sa ilalim ng mahigit sa isang planong pangkalusugan. Tinutukoy sa COB kung aling plano ang pangunahing (unang) tagabayad at kung aling plano ang pangalawang tagabayad. Ikokoordina ng pangunahing tagabayad ang paghahatid ng lahat ng benepisyo ng planong pangkalusugan. Sinasaklaw ng pangalawang tagabayad ang hindi sinasaklaw ng pangunahing tagabayad sa mga gastos at benepisyo.
Ang mga Dual Special Needs na Plano (mga D-SNP) ay isang uri ng plano ng Medicare Advantage. Kaugnay nito, ikinokoordina ng D-SNP ang paghahatid ng parehong mga benepisyo ng Medicare at Medicaid. Sa karamihan ng mga kaso, sinasaklaw ng Medicaid ang mga benepisyo at gastos na hindi sinasaklaw ng D-SNP. Ikinokoordina rin ng mga D-SNP ang pamamahala ng pangangalaga, pamamahala ng sakit at iba pang klinikal na serbisyo.
Saan nag-aalok ang UnitedHealthcare Community Plan ng mga planong pangkalusugan?
Sineserbisyuhan ng UnitedHealthcare Community Plan ang mga miyembrong kwalipikado para sa Medicaid o para sa parehong Medicaid at Medicare sa 42 estado at sa District of Columbia.*
Nag-aalok ang UnitedHealthcare ng mga plano ng Medicaid sa mga estadong ito:
Arizona, California, Florida, Hawaii, Indiana, Kansas, Kentucky, Louisiana, Massachusetts, Maryland, Michigan, Minnesota, Missouri, Mississippi, North Carolina, Nebraska, New Jersey, Nevada, New York, Ohio, Pennsylvania, Rhode Island, Tennessee, Texas, Virginia, Washington, Wisconsin
Nag-aalok ang UnitedHealthcare ng mga Dual Special Needs na Plano (mga D-SNP) sa mga estadong ito**:
Alabama, Arkansas, Arizona, California, Connecticut, Colorado, District of Columbia, Delaware, Florida, Georgia, Hawaii, Iowa, Indiana, Kansas, Kentucky, Louisiana, Massachusetts, Maryland, Maine, Michigan, Missouri, Mississippi, Montana, North Carolina, Nebraska, New Jersey, Nevada, New York, Ohio, Oklahoma, Pennsylvania, Rhode Island, South Carolina, South Dakota, Tennessee, Texas, Utah, Virginia, Washington, Wisconsin, West Virginia, Wyoming
*Mula noong Pebrero 2022
**Hindi magagamit sa lahat ng county
Paano ako makakahanap ng doktor/tagapagbigay ng serbisyo?
Ginagawang madali ng aming online na direktoryo sa paghahanap na maghanap ng mga doktor, espesyalista at pasilidad sa pangangalaga na nasa network na malapit sa iyo. Ilagay lang ang iyong ZIP code. Pagkatapos ay maaari kang maghanap nang ayon sa pangalan ng doktor, uri ng pangangalaga, pasilidad, mga serbisyo, at mga paggamot upang mahanap ang eksaktong kailangan mo.
Mga Pangunahing Kaalaman sa Medicaid
Ano ang mangyayari kapag hindi na ako karapat-dapat sa Medicaid?
Kung nakalista ka sa dalawahang plano ng UnitedHealthcare at hindi ka na karapat-dapat sa Medicaid, iho-hold ka namin nang 6 (na) buwan. Sa panahong ito, kailangan mong bayaran ang pagbabahagi ng gastos gaya ng mga copayment, coinsurance, nababawas at premium. Kapag hindi mo napanumbalik ang iyong pagiging karapat-dapat sa Medicaid pagkatapos ng 6 (na) buwan, aalisin sa pagkakalista sa aming dalawahang plano.
Ngunit tandaan, maaari kang magpalista sa dalawahang plano anumang oras. Kapag napanumbalik mo ang iyong saklaw sa Medicaid, makipag-usap lang sa lisensyadong sales agent ng UnitedHealthcare para muling magpalista sa dalawahang plano.
Anong mga serbisyo ang sinasaklaw ng Medicaid?
Pinamamahalaan ng bawat estado ang sarili nitong programang Medicaid kaya ang sakop ng Medicaid ay maaaring magbago sa bawat estado. Ngunit may ilang mga serbisyo na dapat sakupin ng bawat estado sa kanilang programa sa Medicaid ayon sa batas ng pederal. Tinatawag itong mga mandatoryong benepisyo. Maaari ding piliin ng mga estado na mag-alok ng iba pang benepisyo sa ilalim ng Medicaid. Tinatawag ang mga ito na mga opsyonal na benepisyo.
Kabilang sa mga mandatoryong benepisyo ng Medicaid ang:
- Pangangalaga ng inpatient sa ospital
- Panandaliang dalubhasang pangangalaga sa inpatient o pangangalaga sa pasilidad ng rehabilitasyon
- Mga serbisyo ng doktor
- Pangangalaga ng outpatient sa ospital o klinika
- Mga serbisyo sa laboratoryo at X-ray
- Panandaliang pangangalaga ng kalusugan sa bahay (ibinibigay ng isang ahensya ng pangangalagang pangkalusugan sa bahay)
- Serbisyo ng ambulansya
- Mga inireresetang gamot para sa mga taong hindi saklaw ng Medicare
Ang mga opsyonal na benepisyo na inaalok ng ilang estado ay maaaring kabilangang ng:
- Mga pagsusuri sa mata at salamin sa mata
- Mga pagsubok sa pandinig at aparatong pantulong sa pandinig
- Pangangalaga ng ngipin
- Mga screening na pang-iwas sa sakit
- Pisikal na terapiya (lampas sa inaalok sa ilalim ng Medicare)
- Hindi pang-emergency na transportasyon patungo at mula sa medikal na paggamot
- Ilang inireresetang gamot na hindi saklaw ng Medicare
- Ilang gamot na hindi inireseta, kabilang ang ilang bitamina
- Pangangalaga ng chiropractic
Sasaklawin ba ng Medicaid ang mga nababawas?
Sa karamihan ng kaso, binabayaran ng Medicaid ang buong gastos para sa mga saklaw na serbisyo, kaya ang mga taong may Medicaid ay hindi na kailangang magbayad ng buwanang premium o anumang mga nababawas. Ngunit may ilang pagbubukod at panuntunan na nag-iiba ayon sa estado. Sa ilang kaso, kung ang isang tao ay may mga benepisyo sa Social Security, maaaring kumuha ng maliit na halaga mula sa mga benepisyong iyon upang makatulong sa pagsakop sa gastos na saklaw ng Medicaid.
Paano gumagana ang Medicaid kasama ng iba pang seguro?
Sa karamihan ng mga kaso, ang Medicaid ang huling tagapagbayad. Nangangahulugan iyon na magbabayad ang Medicaid pagkatapos bayaran ng anumang iba pang tagapagbayad ang bahagi nito sa mga serbisyong ibinigay. Halimbawa, kung mayroon kang Medicare o anumang uri ng saklaw na pribadong pangangalaga ng kalusugan, ang Medicaid ang palaging magiging pangalawang tagapagbayad. Sisingil muna ang mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa pangunahing tagapagbayad, at babayaran ng Medicaid ang matitira. Iyon ang dahilan kung bakit dapat sabihin ng mga nagpaparehistro ng Medicaid kung mayroon silang iba pang mapagkukunan ng saklaw.
Ano ang kailangan ko para makapag-apply sa Medicaid?
Kapag gusto mong mag-apply para sa Medicaid, kailangan mong sagutan ang isang application form. May iba't-ibang hinihingi para sa Medicaid ang iba’t ibang estado. Malamang na kailanganin mo ang iba’t ibang dokumentong gaya ng:
Personal na Impromasyon
- Impormasyon tungkol sa mga miyembro ng sambahayan (pangalan, petsa ng kapanganakan at Social Security number)
- Katibayan ng pagkamamamayan
Pinansyal na Impormasyon
- Impormasyon sa renta at sangla
- Mga Gastusin (mga utility, daycare, atbp.)
- Impormasyon ng sasakyan
- Mga statement ng bangko
- Kita (mga stub ng sahod)
Medikal na Impormasyon
- Katibayan ng kapansanan o mga medikal na talaan na nagpapakita ng tumatagal na medikal na kundisyon
- Mga kamakailang medikal na bill
Paano ako makakapagpalista sa Medicaid?
Kailangan mong mag-apply sa pamamagitan ng ahensya ng estado na namamahala sa programang Medicaid sa iyong estado. Para sa mga tanong, o para alamin kung anong mga planong pangkalusugan ang iniaalok ng UnitedHealthcare Community Plan sa iyong lugar, mangyaring gamitin ang feature na paghahanap sa aming home page sa UHCCommunityPlan.com.
Sinasaklaw ba ng Medicare ang mga medikal na gastos ng mga miyembro ng D-SNP?
Oo. Dahil ang D-SNP ay isang Medicare Advantage na plano, sinasaklaw ng Medicare ang karamihan sa mga gastos kapag kumukuha ang mga miyembro ng Medicare ng pangangalagang medikal. Ang parteng hindi nabayaran o ang bahaging naiwan ay responsibilidad na bayaran ng miyembro. Maaaring tawagin ang mga ito na premium, copay, coinsurance o naibabawas. Para sa mga taong nasa D-SNP na plano, tumutulong ang mga programa ng Medicaid ng estado na bayaran ang mga gastos na ito.
Maaari ba akong kumuha ng parehong Medicaid at Social Security? Paano ang Medicare?
Oo, hangga't natutugunan mo ang mga kwalipikasyon para sa Medicaid sa iyong estado. Hindi magbabago ang iyong pagiging karapat-dapat sa Medicaid kahit na kumuha ka man ng Insurance para sa May Kapansanan ng Social Security (Social Security Disability Insurance o SSDI) o hindi. Kapag kumuha ng SSDI, awtomatiko kang magiging kwalipikado para sa Medicare, pero mayroong panahon ng pag-aantay. Malamang na kailanganin mong maghintay ng 2 (na) taon pagkatapos mong maging kwalipikado para sa benepisyo sa kapansanan ng Social Security bago ka makakuha ng Medicare. Alamin pa ang tungkol sa kapansanan sa Social Security at Medicaid at Medicare.
Paano ko mababago ang aking plano sa Medicaid?
Ang programa ng Medicaid sa bawat estado ay pinatatakbo ng pamahalaan ng estado para sa estadong iyon. Bagama't maaaring mag-alok ang ilang partikular na estado ng iba't ibang uri ng mga plano ng Medicaid, ang bawat plano ay karaniwang para sa isang partikular na uri ng tao (tulad ng mga bata, pamilya, o mga nasa hustong gulang na mababa ang kita). Malamang na hindi mo magagawang baguhin ang iyong plano sa Medicaid o lumipat sa ibang plano ng Medicaid maliban kung magbabago ang iyong sitwasyon sa buhay. (Halimbawa, kung ikaw ay mag-aasawa o mabubuntis). Maaari kang mag-apply para sa Medicaid sa anumang oras sa buong taon. Matuto pa tungkol sa mga plano ng Medicaid at saklaw ng Medicaid.
Makikita mo ang link sa website para sa ahensya ng Medicaid sa iyong estado sa pahina na "Mga Detalye ng Plano" para sa bawat planong pangkalusugan na iniaalok ng UnitedHealthcare Community Plan. Upang makita ang mga plano na makukuha sa iyong lugar, mangyaring gamitin ang feature sa paghahanap sa aming home page sa UHCCommunityPlan.com.
Medicaid + Medicare
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Medicaid at Medicare?
Ang Medicaid ay nagbibigay ng saklaw sa kalusugan para sa milyon-milyong tao, kabilang ang mga karapat-dapat na nasa hustong gulang na mababa ang kita, mga bata, buntis, nakatatanda at taong may mga kapansanan. Ang Medicaid ay magkasamang pinopondohan ng mga estado at pederal na pamahalaan. Ang Medicare ay isang pederal na programa. Nagbibigay ito ng saklaw para sa mga taong edad 65 at mas matanda, at gayundin sa ilang taong wala pang 65 (na) taong gulang na kwalipikado dahil sa kapansanan. Alamin ang higit pa tungkol sa pagkakaiba sa pagitan ng Medicaid at Medicare.
Maaari ka bang magkaroon ng Medicare at Medicaid nang sabay?
Oo. May ilang taong nagiging kwalipikado para sa Medicare at Medicaid. Ang mga taong ito ay kwalipikado sa Medicare dahil sa edad (sa pagiging edad 65 o mas matanda}) o dahil mayroon silang kapansanan. Kwalipikado rin sila para sa Medicaid dahil natutugunan nila ang mga hinihingi ng Medicaid sa kanilang estado. Ang mga taong kwalipikado sa parehong Medicare at Medicaid ay "dual eligible." Alamin ang higit pa tungkol sa pagkakaroon ng parehong Medicare at Medicaid.
Paano ka magiging kwalipikado para sa parehong Medicare at Medicaid?
Ang Medicare at Medicaid ay dalawang magkahiwaly na programang may magkaibang mga hinihingi para sa pagiging karapat-dapat.
Upang maging kwalipikado para sa Medicare, kailangan mong maging:
- Ikaw ay hindi dapat bababa sa 65 na taong gulang, o wala ka pang 65 taon at kwalipikado ka sa batayan ng kapansanan o iba pang espesyal na sitwasyon
AT - Mamamayan ng U.S. o legal na residente na nanirahan sa U.S. sa loob ng hindi bababa sa 5 na magkakasunod na taon
Upang maging kwalipikado para sa mga benepisyo ng Medicaid ng estado, kailangan mong:
- Wala pang 65 na taong gulang at nakatutugon sa mga kinakailangan para sa mga pamilyang may mababang kita, buntis at mga bata, mga indibidwal na tumatanggap ng Supplemental Security Income (SSI), may kapansanan o iba pang espesyal na sitwasyon
- Hindi bababa sa 65 (na) taong gulang at ikaw din ay:
- Tumatanggap ng Karagdagang Tulong o tulong mula sa iyong estado
- Bulag o may kapansanan, ngunit hindi nangangailangan ng pangmatagalang pangangalaga
Bilang bahagi ng Affordable Care Act, marami sa mga estado ang piniling palawakin ang saklaw ng Medicaid para maisama ang lahat ng may mababang kita na nasa hustong gulang na wala pang 65 (na) taong gulang. Maaari itong piliing gawin ng mga estado sa anumang oras. Maraming tao ang nagugulat kapag nalalaman nilang kwalipikado sila. Kung kaya makabubuti palagi na alamin.
Upang alamin kung ikaw ay karapat-dapat para sa Medicaid sa iyong estado, bisitahin ang website para sa Medicaid sa iyong estado. Pagkatapos ay tingnan ang mga kinakailangan para sa pagiging karapat-dapat.
Paano nagtutulungan ang Medicare at Medicaid?
Ang Affordable Care Act ay lumikha ng bagong opisina sa loob ng Centers for Medicare & Medicaid Services (CMS). Tinitiyak ng Medicare-Medicaid Coordination Office na may ganap na access sa tuloy-tuloy na pangangalagang pangkalusugan na may mataas na kalidad ang mga taong parehong naka-enroll sa Medicare at Medicaid. Ang layunin ay para mas epektibong makapagtulungan ang dalawang programa sa pagpapabuti ng pangangalaga at pagpapababa ng mga gastos.
Makakatulong sa Medicare ang mga programa ng Medicaid sa pamamagitan ng pagbabayad ng ilang bayarin ng Medicare. At sa pamamagitan ng pagsaklaw sa mga pakinabang na hindi iniaalok ng Medicare, gaya ng pangangalaga sa pandinig, transportasyon, paningin, ngipin at pangmatagalang pangangalaga.
Kailan ang mga panahon ng pag-enroll sa Medicare at Medicaid?
Ang Panahon ng Bukas na Pag-enroll (Open Enrollment Period, OEP) sa Medicare ay mula Okt. 15 hanggang Dis. 7 taon-taon. Ang sinumang mayroon nang anumang uri ng saklaw sa Medicare ay makakagawa ng mga pagbabago sa kanyang saklaw para sa paparating na taon. Ang Bukas na Pag-enroll sa Medicare Advantage ay mula Ene. 1 hanggang Marso 31 taon-taon. Ang mga tao lang na mayroon nang plano ng Medicare Advantage ang maaaring magbago sa panahong ito. Ang mga Dual Special Needs na Plano (mga D-SNP) ay isang uri ng plano ng Medicare Advantage kung kaya nalalapat ang parehong mga panahon ng pag-enroll. Maaari kang mag-apply para sa Medicaid sa anumang oras sa buong taon. Walang panahon ng pag-enroll para sa Medicaid o CHIP (ang Programa ng Seguro sa Kalusugan ng Mga Bata). Alamin pa ang tungkol sa mga panahon ng pag-enroll sa Medicare.
Mga Dalawahang Plano para sa mga Espesyal na Pangangailangan (mga D-SNP)/dalawahang pagiging kwalipikado
Ano ang ibig sabihin ng dual eligible?
Inilalarawan ng "dual eligible" ang mga tao na kwalipikado para sa Medicare at Medicaid sa parehong pagkakataon. Kwalipikado ang mga taong ito sa parehong programa, kaya sila ay "dual eligible."
Ano ang mga bentahe ng Mga Dalawahang Plano para sa Mga Espesyal na Pangangailangan (D-SNP)?
Nag-aalok ang mga dalawahang plano ng segurong pangkalusugan ng mga pakinabang at serbisyo na hindi karaniwang makukuha sa Medicare o Medicaid. Sa dual na planong pangkalusugan, mapapanatili mo ang iyong mga benepisyo sa Medicaid, at makakakuha ka ng mas maraming benepisyo kaysa sa Original Medicare nang kasing-baba ng $0 na premium ng plano. Maraming karagdagang benepisyo at tampok na kasama sa mga dual na planong pangkalusugan ng UnitedHealthcare.1
Maaaring saklawin ng aming mga plano ang:
- Regular na pangangalaga sa ngipin
- Mga credit para bumili ng mga produkto ng OTC at mga saklaw na grocery
- Mga pagsusuri sa mata, at kredito para sa eyewear
- Mga pagsusuri sa pandinig, at kredito para sa mga hearing device
- At marami pa
1Nag-iiba-iba ang mga benepisyo, feature at/o aparato ayon sa plano/lugar. May mga nalalapat na limitasyon at pagbubukod.
Kasama rin sa ilang dual na planong pangkalusugan ang koordinasyon ng pangangalaga. Malaking tulong ito — lalo na para sa mga taong may mga komplikadong pangangailangang medikal. Mas pinapadali nito ang pangangasiwa ng iyong mga doktor, espesyalista at serbisyo sa pangangalaga. Alamin ang higit pa tungkol sa mga benepisyo sa dual na planong pangkalusugan.
Mangyaring tandaan na maaaring mabago ang mga iniaalok ng mga dual na plano ng UnitedHealthcare, at ang mga partikular na benepisyo na kasama rito, depende sa kung saang lugar ka nakatira. Para sa mga detalye tungkol sa mga dual na plano na makukuha sa iyong lugar, mangyaring gamitin ang feature na paghahanap sa aming home page sa UHCCommunityPlan.com.
Ano ang mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado para sa Mga Dalawahang Plano para sa mga Espesyal na Pangangailangan (mga D-SNP)?
1. Nakakakuha ka ba ng mga pakinabang sa Medicaid ng estado? (Kung oo, mayroon kang card mula sa Medicaid ng estado.)
Ikaw ay wala pang 65 (na) taong gulang at nakatutugon ka sa mga kinakailangan para sa mga pamilyang may mababang kita, buntis at mga bata, mga indibidwal na tumatanggap ng Supplemental Security Income (SSI), may kapansanan o iba pang espesyal na sitwasyon.
- Ikaw ay hindi bababa sa 65 (na) taong gulang at ikaw din ay:
- Tumatanggap ng Karagdagang Tulong o tulong mula sa iyong estado
- Bulag o may kapansanan, ngunit hindi nangangailangan ng pangmatagalang pangangalaga
2. Mayroon ka bang Bahagi A at B ng Medicare?
- Ikaw ay hindi bababa sa 65 na taong gulang, o wala ka pang 65 na taon at kwalipikado sa batayan ng kapansanan o iba pang espesyal na sitwasyon
AT - Ikaw ay mamamayan ng U.S. o legal na residente na nanirahan sa U.S. sa loob ng hindi bababa sa 5 na magkakasunod na taon
3. Naninirahan ka ba sa lugar kung saan makukuha ang mga dalawahang plano?
Masasabi sa iyo ng isang lisensyadong sales agent ng UnitedHealthcare kung ikaw ay nakatira sa lugar ng serbisyo. O, upang makita ang mga plano na makukuha sa iyong lugar, mangyaring gamitin ang feature sa panghanap sa aming home page sa UHCCommunityPlan.com.
Kailan ka maaaring mag-apply para sa Dalawahang Plano para sa mga Espesyal na Pangangailangan (D-SNP)?
Ang Mga Dalawahang Plano para sa mga Espesyal na Pangangailangan (mga D-SNP) ay may tuloy-tuloy na Espesyal na Panahon ng Pagpapatala (Special Enrollment Period, SEP), na tumatakbo sa mga unang 9 buwan ng taon. Ang mga taong kwalipikado ay maaaring magpatala o magbago ng mga plano isang beses bawat 3 buwan. Ang mga pagbabago sa pagpapatala ay magiging epektibo sa unang araw ng susunod na buwan.
TANDAAN: Mahalagang tandaan na para manatiling kwalipikado para sa isang dual na planong pangkalusugan, kailangan mong muling magpa-certify para sa Medicaid bawat taon. Hangga’t manatili kayong karapat-dapat, awtomatikong mare-renew taun-taon ang inyong dual na planong pangkalusugan. Alamin ang higit pa tungkol sa pagpapatala sa dual na plano.
Ano ang mangyayari kapag nawala ng isang miyembro ng D-SNP ang kanyang pagiging karapat-dapat sa Medicaid?
Ang mga miyembro ng Dalawahang Plano para sa mga Espesyal na Pangangailangan (D-SNP) ay dapat maging kwalipikado para sa Medicaid. Kung nawala ng isang miyembro ang kanyang pagiging karapat-dapat sa Medicaid, magkakaroon siya ng palugit na panahon. Depende sa planong pangkalusugan, ang palugit na panahong ito ay maaaring 30 (na) araw o hanggang 6 (na) buwan. Makakakuha pa rin ang mga miyembro ng pangangalaga at mga serbisyo sa pamamagitan ng kanilang planong pangkalusugan, at babayaran pa rin ng Medicare ang karamihan sa sinasaklaw na pangangalaga at mga benepisyo. Ang pagkakaiba lang ay, sa panahon ng palugit, ang miyembro ng D-SNP ang magbabayad para sa anumang gastos mula sa sariling bulsa. Ito ay maaaring mga copayment, coinsurance, deductible at premium na binabayaran dati ng Medicaid. Alamin pa ang tungkol sa pagkawala ng pagiging karapat-dapat sa D-SNP.
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng D-SNP at C-SNP?
Ang D-SNP ay nangangahulugang Dual Special Needs na Plano. Ang mga planong ito ay para sa mga indibidwal na mababa ang kita na parehong karapat-dapat sa Medicaid at Medicare. Ang C-SNP ay nangangahulugang Chronic Special Needs na Plano. Ang mga planong ito ay para sa mga taong may hindi gumagaling na kondisyon sa kalusugan. Kasama sa mga halimbawa ang paulit-ulit na pagpalya ng puso, mga cardiovascular disorder at diabetes. Alamin pa ang tungkol sa mga Plano sa Mga Espesyal na Pangangailangan ng Medicare.
Ang lahat ba ng Plano sa mga Espesyal na Pangangailangan ay may Part D ng Medicare?
Ang Bahagi D ng Medicare ay saklaw sa inireresetang gamot. Sinasaklaw nito ang ilang partikular na inireresetang gamot na hindi pa saklaw ng Bahagi A at B ng Medicare. Ang mga Special Needs na Plano (mga SNP) ay isang uri ng plano ng Medicare Advantage. Kasama sa mga dual na planong pangkalusugan ang saklaw sa gamot. Pero kung may iniinom kang anumang inireresetang gamot, nanaisin mong tiyakin kung sinasaklaw ng dual na planong pangkalusugan ang iyong mga gamot bago ka mag-enroll. Alamin pa ang tungkol sa saklaw sa inireresetang gamot ng dual na planong pangkalusugan.
May mga subsidized na premium ba ang mga miyembro ng D-SNP?
Kung mayroon kang Dual Special Needs na Plano (D-SNP), malamang na sasaklawin para sa iyo ang karamihan sa mga gastos mo. Kapag kumukuha ng pangangalagang medikal ang mga miyembro ng Medicare, hindi sinasaklaw ng Medicare ang buong halaga ng mga serbisyo. Ang parteng hindi nabayaran o ang bahaging naiwan ay responsibilidad na bayaran ng miyembro ng Medicare. Maaaring tawagin ang mga ito na premium, copay, coinsurance o naibabawas. Tumutulong ang mga programang Medicaid ng Estado sa pagbabayad ng mga gastos na ito para sa mga indibidwal na mababa ang kita. Kung wala kang Medicaid, maaaring nakadepende ang iyong mga eksaktong gastusin sa planong pipiliin mo.
Nakabatay ba sa network ang mga D-SNP?
Oo, ang mga Dual Special Needs na Plano (mga D-SNP) ay nakabatay sa network. Kinakailangan sa mga planong ito na kumuha ang mga miyembro ng pangangalaga at mga serbisyo mula sa mga doktor o ospital sa kanilang network sa Medicare SNP. Magkakaiba ang laki at ang mga populasyong sineserbisyuhan ng mga network ng SNP. Kasama sa mga uri ng mga network ang:
- Mga network na sumasaklaw sa isang tinukoy na lugar. Halimbawa, maaaring saklawin ng isang network ang isang buong estado, habang sinasaklaw naman ng ibang network ang isang county. Kadalasan, nangangahulugan ito na maaaring sineserbisyuhan ang isang lugar ng mahigit sa isang network.
- Mga network na umaasikaso sa isang partikular na isyu sa kalusugan, tulad ng dementia. Maaaring sumali sa network ang mga tagapagbigay ng serbisyo na nagbibigay ng mga serbisyo sa mga pasyente na may partikular na kondisyon.
Alamin pa ang tungkol sa paghahanap ng naaangkop na doktor kapag mayroon kang Medicaid at Medicare.
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng D-SNP at MMP?
Ang mga Dual Special Needs na Plano (mga D-SNP) at Medicare-Medicaid na Plano (mga MMP) ay parehong idinisenyo upang gawing mas madali para sa mga dual-eligible na indibidwal na makakuha ng pangangalaga. Pinapadali ng mga planong ito ang access sa pangangalaga sa pamamagitan ng Medicare at Medicaid. Ngunit mayroong pangunahing pagkakaiba. Sa isang MMP, ang lahat ng benepisyo ng Medicare at Medicaid ay ibinibigay sa pamamagitan ng 1 solong planong pangkalusugan. Sa isang D-SNP, napapanatili ng mga miyembro ang parehong plano ng Medicaid at ang lahat ng parehong benepisyo ng Medicaid na nakukuha nila ngayon. Bukod dito, mayroon silang hiwalay na plano ng Medicare Advantage na karaniwang nagbibigay sa kanila ng mas maraming benepisyo at feature kaysa sa Original Medicare. Ang isa pang pagkakaiba ay tanging ang mga taong ganap na kwalipikado sa dalawahan ang makakapagpatala sa isang MMP, samantalang posible para sa mga parehong ganap at bahagyang kwalipikado sa dalawahan na makakuha ng D-SNP. Alamin pa ang tungkol sa mga benepisyo ng Medicaid sa mga D-SNP.
Kasama ba ang saklaw sa ngipin sa mga Dual Special Needs na Plano (mga D-SNP)?
Oo. Ang saklaw sa ngipin* ay isa sa maraming dagdag na benepisyo na maaari mong makuha nang walang bayad sa isang Dual Special Needs na Plano (D-SNP) mula sa UnitedHealthcare. Bukod sa mga regular na pagsusuri at paglilinis, maaari ka ring makakuha ng allowance para sa mga serbisyo sa ngipin. Ang allowance na ito ay maaaring makatulong sa pagbabayad sa iba’t ibang pangangalaga sa ngipin, tulad ng mga pasta, root canal, implant at iba pang serbisyo sa ngipin. Alamin pa ang tungkol sa saklaw sa ngipin ng D-SNP para sa mga may Medicaid at Medicare.
*Magkakaiba ang mga benepisyo depende sa plano at lugar ng serbisyo. May mga nalalapat na limitasyon at pagbubukod.
Kasama ba ang transportasyon sa mga Dual Special Needs na Plano (mga D-SNP)?
Oo. Ang saklaw sa transportasyon* ay isa sa maraming dagdag na benepisyo na maaari mong makuha nang walang bayad sa Dual Special Needs na Plano (D-SNP) mula sa UnitedHealthcare. Magkakaroon ka ng nakatakdang bilang ng mga one-way na transportasyong magagamit mo upang maasikaso ang mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan. Kung kailangan mong pumunta sa isang tagapagbigay ng serbisyo o sa parmasya upang kunin ang mga inireresetang gamot, maaari kang makakuha ng libreng transportasyon para ihatid ka papunta at pauwi. Alamin pa ang tungkol sa tulong sa transportasyon ng D-SNP para sa mga may Medicaid at Medicare.
*Magkakaiba ang mga benepisyo depende sa plano at lugar ng serbisyo. May mga nalalapat na limitasyon at pagbubukod.
Kasama ba ang saklaw sa paningin sa mga Dual Special Needs na Plano (mga D-SNP)?
Oo. Ang saklaw sa paningin* ay isa sa maraming dagdag na benepisyo na maaari mong makuha nang walang bayad sa isang Dual Special Needs na Plano (D-SNP) mula sa UnitedHealthcare. Bukod sa mga regular na pagsusuri sa mata, ang iyong saklaw sa paningin ay maaari ring magbigay sa iyo ng daan-daang dolyar na credit upang makatulong na pangbayad para sa eyewear. Malaking tulong iyon sa pagbabayad para sa isang bagong pares ng salamin sa mata at mga contact lens. Alamin pa ang tungkol sa saklaw sa paningin ng D-SNP para sa mga may Medicaid at Medicare.
*Magkakaiba ang mga benepisyo depende sa plano at lugar ng serbisyo. May mga nalalapat na limitasyon at pagbubukod.
Ang pagpapatala ba sa D-SNP ay nakabatay sa estado?
Oo. Ang pagpapatala para sa Mga Dalawahang Plano para sa mga Espesyal na Pangangailangan (mga D-SNP) ay nakabatay sa estado. Ang mga D-SNP ay iniaalok sa karamihan ng mga estado, ngunit hindi sa lahat ng mga estado. Gayundin, ang mga uri ng D-SNP na makukuha (at ang mga benepisyong ibinibigay ng bawat plano) ay maaaring magbago depende sa county kung saan ka nakatira. Maaari mong gamitin ang field sa paghahanap sa ibaba ng page upang makita ang mga plano na makukuha sa iyong lugar. Kung hindi ka sigurado, tawagan kami at makipag-usap sa isa sa aming mga lisensyadong ahente. Ipapaliwanag nila ang lahat ng pagpipilian at tutulungan ka nilang mahanap ang tamang dual-eligible na planong pangkalusugan para sa iyo.
Tingnan ang mga UnitedHealthcare plan sa iyong lugar
Maaaring magbago ang mga benepisyo ng dual-eligible o Medicaid plan depende sa kung saan ka nakatira. Maghanap gamit ang iyong ZIP code upang makita ang pinakaangkop na planong nakatutugon sa iyong mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan.
Mga Madalas Itanong
Ginagawang available ang link na ito upang maaari kayong makakuha ng impormasyon mula sa website ng third-party. Ibinibigay lang ang link na ito bilang kaginhawahan at hindi isang pag-eendorso ng nilalaman ng website ng third-party o anumang mga produkto o serbisyong inialok sa website na iyon. Wala kaming pananagutan para sa mga produkto o serbisyong inialok o sa nilalaman ng anumang naka-link na website o anumang link na nilalaman ng isang naka-link na website. Hindi kami gumagawa ng anumang mga pahayag tungkol sa kalidad ng mga produkto o serbisyong inialok, o sa content o katumpakan ng mga materyal sa naturang mga website.