Saklaw ng pangangalaga sa paningin: Tingnang mabuti kung ano ang iniaalok ng mga dual na planong pangkalusugan.
Na-post: February 10, 2020
I-update natin ang iyong browser para ma-enjoy mo ang isang mas mabilis at mas ligtas na karanasan sa site.
Na-post: February 10, 2020
Kung mayroon kayong Original Medicare, maaaring nalaman na ninyong hindi nito sinasaklaw ang mga pagsusuri sa mata. Kung kailangan ninyo ng pagsusuri para sa mga salamin sa mata o contact lens, kailangang kayo mismo ang magbayad para dito. Ngunit sa dual na planong pangkalusugan, maaari kayong makakuha ng saklaw ng pangangalaga sa paningin.* Ang mga dual na planong pangkalusugan ay para sa mga taong may Medicaid at Medicare. Sinasaklaw ng karamihan ng mga dual na planong pangkalusugan ang mga serbisyo sa paningin, kaya sinasaklaw ng mga ito ang mas marami sa inyong pangangalaga at gastos.
Mahalaga para sa lahat ang regular na pagpapasuri ng inyong paningin. Kaya karaniwang isinasama ng mga dual na planong pangkalusugan ang mga regular na pagsusuri ng paningin bilang bahagi ng saklaw ng pangangalaga sa paningin. Ngunit may ilang dual na planong pangkalusugan ang lumalampas pa sa pangunahing saklaw at nagbibigay rin sa inyo ng daan-daang dolyar na credit upang makatulong sa pagbabayad para sa eyewear. Malayo ang mararating nito sa pagtulong sa pagbabayad para sa maganda at bagong pares ng salamin sa mata. O kaya, maaari kayong pumili ng mga contact lens kung mas gusto ninyo.
Ang ilang karaniwang sakit sa mata ay maaaring humantong sa pagkawala ng paningin o pagkabulag. Sa mga unang yugto, hindi gaanong napapansin ang mga senyales ng ilang napakalalang sakit sa mata. Ngunit makakatulong sa pagsalba ng inyong paningin sa kalaunan kapag maagang malaman ang mga ito. Ang mga taong may diabetes ay dapat na lubos na mag-ingat. Ayon sa American Diabetes Association, ang mga taong may diabetes ay mas malamang na magkaroon ng mga katarata at glaucoma. Ang saklaw ng pangangalaga sa paningin na nakukuha ninyo sa dual na planong pangkalusugan ay makakatulong sa inyo sa pagprotekta sa inyong paningin at kalusugan. Bukod pa rito, makukuha ninyo ito nang wala kayong dagdag na babayaran.
*Pakitandaan na ang mga partikular na pakinabang na kasama sa mga dual na plano sa kalusugan ay maaaring magbago depende kung saan kayo nakatira. Maghanap ayon sa inyong ZIP code upang makita ang tamang planong nakatutugon sa inyong mga pangangailangan sa pangangalaga sa kalusugan.
Salamat, paparating na ang inyong Gabay.