Isang kapaki-pakinabang na benepisyo sa karamihan ng mga dual na planong pangkalusugan ang telehealth.
Na-post: Hunyo 19, 2020
I-update natin ang iyong browser para ma-enjoy mo ang isang mas mabilis at mas ligtas na karanasan sa site.
Na-post: Hunyo 19, 2020
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay madaling makakapagpatingin sa doktor nang personal. Hindi lamang mga taong may Medicaid at Medicare ang maaaring mahirapan sa pagmamaneho papunta sa doktor o sa pagkuha ng transportasyon. Kung tapos na ang mga karaniwang oras ng trabaho, maaaring hindi na available ang iyong regular na doktor. Sa ganitong sitwasyon nakakatulong ang telehealth. Magpatuloy sa pagbabasa upang malaman kung paano gumagana ang telehealth at kung kailan ito dapat gamitin.
Maaaring pauna nang isaayos ang mga telehealth na pagkonsulta o maaari itong isaayos sa anumang oras na kailanganin mo.
Karaniwang inilalarawan sa mga terminong telehealth at telemedicine ang mga paraan upang kumonsulta sa isang doktor gamit ang computer, tablet o mobile phone. Maaaring narinig mo na ring tinawag itong mga virtual na medikal na pagkonsulta, doctor on demand o sa pangalan ng brand na tulad ng Teledoc®. Anuman ang tawag mo dito, maaaring maging mahalagang pakinabang ang telehealth o telemedicine para sa mga taong may Medicaid at Medicare. Ito ang dahilan kung bakit maaaring maging magandang ideya na bumili ng dual na planong pangkalusugan na may kasamang telehealth bilang karagdagang pakinabang nang wala kang gagastusin.
Maraming pakinabang ang telehealth. Sa telehealth, magagawa mong:
Magandang opsyon ang telehealth para sa panggagamot ng mga ordinaryong kundisyon na may mga karaniwang paggamot. Narito ang ilang halimbawa:
Ang telehealth ay hindi para sa mga kumplikado, pang-agaran o pang-emergency na kundisyon. Ang emergency ay ang biglaang pagkakasakit o pagkapinsala na maaari mong ikamatay. Kung nasa isang emergency na sitwasyon ka na maaari mong ikamatay, tumawag sa 911 o pumunta kaagad sa ER.
Maaaring pauna nang isaayos ang mga telehealth na pagkonsulta o maaari itong isaayos sa anumang oras na kailanganin mo. Makakakonsulta ka kaagad sa isang doktor, pero maaaring magkakaiba ang tagal ng paghihintay. Mahihiling mo rin na tawagan ka ng isang doktor. Karaniwang tumatagal ang mga telehealth na pagkonsulta nang humigit-kumulang 10–15 (na) minuto. Maaaring maging isang mabilis at madaling paraan ang telehealth para makuha ang medikal na pangangalagang kailangan mo. Makakatipid ka rin ng oras sa pagbiyahe papunta sa tanggapan ng doktor.
Pakitandaan: Ang maaari ninyong makuhang mga dual-eligible na plano ay nakasalalay sa lugar na tinitirhan ninyo. Upang maghanap ng UnitedHealthcare Dual Complete® na plano para sa inyo, mangyaring maghanap ng mga plano sa inyong estado.
1 Hindi lahat ng medikal na kundisyon ay nagagamot sa pamamagitan ng telehealth. Tutukuyin ng doktor sa telehealth kung kailangan mong personal na magpatingin sa doktor para sa paggamot.
2 Hindi nakakapagreseta ng mga gamot ang mga doktor sa lahat ng estado. Hindi maaaring magreseta para sa mga opioid.
Salamat, paparating na ang inyong Gabay.