Makakatulong ang Navigator na mas mapagaan ang pamumuhay ng mga miyembro ng dual na planong pangkalusugan.
Na-post: Oktubre 15, 2020
I-update natin ang iyong browser para ma-enjoy mo ang isang mas mabilis at mas ligtas na karanasan sa site.
Na-post: Oktubre 15, 2020
Hindi madali ang buhay ng mga taong may Medicare at Medicaid. Maraming tao na dual-eligible para sa Medicaid at Medicare ang may mga pabalik-balik na isyu sa kalusugan. Maaaring kailanganin nilang regular na magpatingin sa maraming iba’t ibang provider ng pangangalaga. Maaari din silang magpatingin sa mga tagapayo sa kalusugan ng isip para sa depresyon o pagkabalisa. At mga therapist para makatulong sa pangingirot at paggalaw. Maaaring kailanganin din nila ng espesyal na medikal na kagamitan o tulong sa transportasyon.
Maraming oras at enerhiya ang kailangan para magkoordina ng maraming provider at serbisyo ng pangangalaga. Para sa mga tao na dual-eligible para sa parehong Medicaid at Medicare, nakakalito kahit ang mga dokumento pa lang.
Ang Navigator ay nagsisilbing tao kung kanino lang kayo makikipag-ugnayan para matulungan kayo sa inyong mga pangangailangan sa pangangalaga.
Ang mga dual na planong pangkalusugan, o mga Dual na Plano sa Mga Espesyal na Pangangailangan, ay para sa mga taong kwalipikado para sa parehong Medicare at Medicaid. May kasama sa mga dual na planong pangkalusugan na mga karagdagang benepisyo na makakatulong na mapagaan ang mga hamong kinakaharap ng mga dual-eligible na miyembro. Sinasaklaw ng ilan sa mga karagdagang benepisyong ito ang mas maraming pangangalaga at serbisyo kumpara sa Medicaid at Original Medicare. Mas pinapadali ng iba pang serbisyo para sa mga miyembro ng dual na planong pangkalusugan na pamahalaan ang kanilang pangangalaga. Dito pumapasok ang isang Navigator.
Kapag marami kayong pangangailangan sa pangangalaga, at mayroon kayong Medicaid at Medicare, maaaring mahirapan kayong alamin kung saan kayo pupunta sa system ng pangangalagang pangkalusugan. Hindi ba mainam kung may isang taong makakatulong para gabayan kayo at makakatulong na sagutin ang inyong mga katanungan? Ang Navigator ay ang taong lalapitan ninyo para matulungan kayo sa bawat hakbang na kinakailangan sa inyong paglalakbay tungo sa malusog na pamumuhay. Walang babayaran para sa serbisyong ito.
Katulad ng isinasaad ng pangalan nito, matutulungan kayo ng inyong Navigator na:
Para sa mga miyembro ng dual na planong pangkalusugan, ang Navigator ang nagsisilbing tangi ninyong point of contact. Ang inyong Navigator ay isang pinagkakatiwalaang tagapayo. Isang tao na pag-aaralan ang tungkol sa inyong mga partikular na hamon sa kalusugan. Makikipagtulungan ang inyong Navigator sa inyo, inyong pamilya at inyong mga tagapag-alaga upang matiyak na natutugunan ang inyong mga pangangailangan sa pangangalaga.
Maaari itong maging isang kumplikado, at kadalasan ay nakakalitong sistema para sa mga taong dual-eligible at kwalipikado para sa parehong Medicaid at Medicare. Nakakatulong ang pagkakaroon ng dual na planong pangkalusugan para mapasimple ang mga bagay. Ngunit mas mainam na mayroong isang Navigator na maaari ninyong tawagan para tanungin at hingian ng karagdagang suporta kapag kailangan ninyo ito.
Pakitandaan: Ang maaari ninyong makuhang mga dual-eligible na plano ay nakasalalay sa lugar na tinitirhan ninyo. Upang maghanap ng UnitedHealthcare Dual Complete® na plano para sa inyo, mangyaring maghanap ng mga plano sa inyong estado.
Salamat, paparating na ang inyong Gabay.