
Hmm … mukhang luma na ang inyong browser.
I-update natin ang inyong browser para ma-enjoy ninyo ang isang mas mabilis at mas ligtas na karanasan sa site.

Kung kukuha kayo ng dual na planong pangkalusugan, mawawala ba ang inyong mga pakinabang ng Medicaid?
Na-post: February 11, 2020
Petsa noong huling na-update: Disyembre 01, 2022
Ang mga dual na planong pangkalusugan ay para sa mga taong may Medicaid at Medicare. Kapag nalaman ng mga tao ang tungkol sa mga karagdagang pakinabang at tampok na iniaalok ng mga dual na plano sa kalusugan, nagagalak sila. Ngunit madaling mapalitan ito ng takot na baka mawala sa kanila ang kanilang mga pakinabang sa Medicaid. Ang sagot ay hindi babaguhin ng dual na plano sa kalusugan ang inyong mga pakinabang sa Medicaid sa anumang paraan. Bukod pa rito, makakakuha kayo ng mas maraming pakinabang. Ituloy ang pagbabasa para makita kung paano ito gumagana.
Kunin ang inyong libreng gabay sa dual na plano
Lahat ng kailangan ninyong malaman tungkol sa Mga Dual Special Needs na Plan sa isang madaling maunawaang gabay.
Paano ako magkakaroon ng Medicaid at Medicare?
Upang makakuha ng dual na planong pangkalusugan, kailangan mong maging kwalipikado para sa Medicaid at Medicare. Kwalipikado kayo para sa Medicaid batay sa pagkakaroon ng mababang kita. Kailangan ninyong matugunan ang mga kinakailangan sa kita sa inyong estado. Kwalipikado kayo para sa Medicare batay sa edad (pagiging 65 (na) taong gulang o mas matanda) o dahil sa pagkakaroon ng kapansanan. Ang mga taong kwalipikado para sa Medicare at Medicaid ay "dual-eligible." Dahil dito ay karapat-dapat din sila para sa dual na planong pangkalusugan.
Ang dalawahang planong pangkalusugan ay isang uri ng plano ng Medicare
Kung mayroon na kayong saklaw ng Medicare, marahil ay maroon kayong Original Medicare. Ang dual na planong pangkalusugan ay isang espesyal na uri ng plano ng Medicare, na tinatawag na plano ng Medicare Advantage. Kasama dito ang lahat ng makukuha mo sa Original Medicare, plus saklaw sa inireresetang gamot at marami pang ibang karagdagang benepisyo at feature na dagdag.* At makukuha mo ang lahat ng ito sa kasing-baba ng $0 na premium ng plano.
Pananatilihin mo ang parehong plano ng Medicaid na mayroon ka ngayon
Hindi pinapalitan ng dual na planong pangkalusugan ang inyong plano ng Medicaid. Mapapanatili mo ang parehong plano ng Medicaid at lahat ng benepisyo ng Medicaid na nakukuha mo ngayon. Mapapanatag ang isip ng mga tao kung alam nilang wala silang isinusukong anumang bagay kapag kumuha ng dual na planong pangkalusugan. Sa dual na planong pangkalusugan, walang mawawala sa inyo at mas marami pa kayong makukuha.
Ano ang susunod na hakbang upang makakuha ng dual na planong pangkalusugan?
Ilagay ang iyong ZIP code sa ibaba upang maghanap ng mga dual na planong pangkalusugan na available sa iyong lugar. O kaya, matuto pa tungkol sa kung paano magpatala sa dual eligible na plano.
Ang paglipat ay mas madali kaysa sa naiisip mo
Kung kwalipikado kayo para sa dual na planong pangkalusugan, maaaring medyo marami ang medikal na pangangailangan ninyo. Nauunawaan namin kung bakit maaaring nag-aatubili kayong lumipat. Bakit kayo magpapakahirap? Ang buong punto ng mga dual na plano ay upang makatulong na maging mas madali ang buhay. Sa UnitedHealthcare, marami na kaming natulungang tao na lumipat. Alam namin kung paano papadaliin ang pagpapa-enroll sa dual na planong pangkalusugan.
Ipinakikilala ang UnitedHealthcare UCard™
Ginagawa ng UCard na mas simple para sa mga miyembro ng dalawahang planong pangkalusugan ng UnitedHealthcare na makuha ang pangangalaga at mabuksan ang lahat ng mga benepisyo at programang kasama sa kanilang planong pangkalusugan.
Tingnan ang mga UnitedHealthcare plan sa iyong lugar
Maaaring magbago ang mga benepisyo ng dual-eligible o Medicaid plan depende sa kung saan ka nakatira. Maghanap gamit ang iyong ZIP code upang makita ang pinakaangkop na planong nakatutugon sa iyong mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan.
*Nag-iiba-iba ang mga benepisyo at feature ayon sa plano/lugar. May mga nalalapat na limitasyon at pagbubukod.