Hmm … mukhang luma na ang inyong browser.
I-update natin ang inyong browser para ma-enjoy ninyo ang isang mas mabilis at mas ligtas na karanasan sa site.
Makipag-usap sa isang doktor mula sa bahay gamit ang mga virtual na pagbisita
Ang telehealth, na kilala rin bilang virtual na pangangalaga, ay nagbibigay sa iyo ng access sa mga provider ng pangangalagang pangkalusugan sa labas ng tanggapan ng provider, gaya ng mula sa bahay o trabaho. Maraming provider ang maaaring mag-alok ng mga telehealth na pagkonsulta sa pamamagitan ng iyong telepono o computer para sa iba't ibang pangangailangan sa pangangalaga, kabilang ang regular na pagkonsulta o pagkonsulta para sa agarang pangangalaga. Ang UnitedHealthcare ay may mga opsyon para sa pag-access sa telehealth sa pamamagitan ng iyong mga lokal na provider o mga piniling partner sa telehealth ng UnitedHealthcare.
Ang UnitedHealthcare ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makuha ang pangangalagang kailangan mo sa labas ng tanggapan ng doktor sa pamamagitan ng mga virtual na pagbisita.
Mga Medicare Advantage na plano ng UnitedHealthcare:
- Bahagi sa gastos para sa mga virtual na pagbisita na nauugnay sa pagsusuri sa COVID-19: Para sa telehealth na nauugnay sa pagsusuri sa COVID-19, magkakaroon ka ng $0 na bahagi sa gastos para sa mga pagbisita sa loob at labas ng network sa buong panahon ng pambansang emergency sa kalusugan ng publiko.
- Bahagi sa gastos para sa paggamot ng COVID-19 sa pamamagitan ng mga vitual na pagbisita: Responsibilidad mong bayaran ang bahagi sa gastos (mga copay, coinsurance o nababawas) para sa paggamot ng COVID-19 sa pamamagitan ng mga virtual na pagbisita. Karamihan ng plano ng UnitedHealthcare Medicare Advantage ay mayroong $0 na copay para sa mga saklaw na serbisyong virtual. Suriin ang iyong mga babasahin mula sa plano para sa mga detalye ng bahagi sa gastos.
- Pinalawak na access para sa mga telehealth na pagbisita na hindi nauugnay sa COVID-19: Para sa mga tagapagbigay ng serbisyo sa loob at labas ng network, magkakaroon ka ng pinalawak na access sa mga virtual na pagbisita sa buong panahon ng pambansang emergency sa kalusugan ng publiko.
Pagpapasyahan nang ayon sa iyong plano sa benepisyo ang bahagi sa gastos para sa mga virtual na pagbisitang hindi nauugnay sa pagsusuri para sa COVID-19. Karamihan ng plano ng UnitedHealthcare Medicare Advantage ay mayroong $0 na copay para sa mga saklaw na serbisyong virtual. Suriin ang iyong mga babasahin mula sa plano para sa mga detalye ng bahagi sa gastos.
Mga planong pangkalusugan ng Medicaid: Para sa mga indibidwal na nakatala sa Mga Plano ng Komunidad ng UnitedHealthcare, maaaring mailapat ang mga pagbabago at regulasyon ng estado sa panahong ito. Mangyaring suriin ang website ng UnitedHealthcare Community Plan at ang site ng iyong estado para sa pinakabagong naaangkop na impormasyon. Kung walang nalalapat na pagbubukod na partikular sa estado, ang mga tradisyonal na alituntunin ng plano ng UnitedHealthcare ang ilalapat.
Para sa impormasyon sa saklaw ng mga benepisyo, mangyaring mag-sign in sa iyong account sa planong pangkalusugan o suriin ang mga karagdagang opsyon sa saklaw sa COVID-19 na maaaring magamit.
Sa Mga Virtual na Pagpapatingin, maaari kang makipag-usap sa isang provider ng pangangalagang pangkalusugan online 24/7 para sa mga pangangailangan sa agarang pangangalaga, tulad ng pana-panahong trangkaso, mga allergy, pink eye at higit pa. Available ang mga pagpapatingin para sa agarang pangangalaga sa pamamagitan ng aming mga piniling partner sa telehealth, kabilang ang Teladoc, American Well, Doctor On Demand at iba pa.
Para sa mga miyembro ng Medicare Advantage at Medicaid, maaari mong patuloy na magamit ang iyong mga kasalukuyang benepisyo sa Virtual na Pagbisita na iniaalok sa pamamagitan ng isa sa aming mga gustong partner sa telehealth nang walang pagbabahagi ng gastos.
Sa nakaka-stress na panahon, maaaring mahirap lutasin ang problema. Maaaring may mga pagkakataon na kailangan mong makipag-usap sa isang tagapayo sa krisis. Kasama sa ilang mga opsyon ang:
- Ang Pambansang Lifeline sa Pagpigil sa Pagpapakamatay: magagamit 24/7
- Tumawag sa 988, ang bagong lifeline sa pagpapakamatay at krisis
- O sa 1-800-799-4889 (TTY)
- Available ang karagdagang impormasyon sa Lifeline (988lifeline.org)
- Ang Text Line sa Krisis ay isang libreng madudulugan na handang magamit 24/7 upang matulungan kang kumonekta sa isang tagapayo sa krisis.
- I-text ang “Home” sa 741741
- O Lifeline Chat
Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa iyong mga benepisyo, mag-sign in sa iyong account sa planong pangkalusugan o tumawag sa numerong nakalagay sa iyong ID card bilang miyembro. Maaari kaming makatulong sa iyo na maunawaan ang iyong saklaw, makahanap ng tagapagbigay ng pangangalaga sa kalusugan o ikonekta ka sa isang nurse.
Kaugnay na nilalaman
Footnote
- Matutulungan ka ng iyong insurance card na maunawaan kung ikaw ay may planong pangkalusugan na insured ng employer. Kung nakasaad sa harap nito ang "Pinangangasiwaan ng United HealthCare Services, Inc." sa kanang sulok sa ibaba, ikaw ay mayroong plano na insured ng employer. Ang pinakamahusay na mapagkukunan mo ng detalyadong impormasyon sa benepisyong pangkalusugan ay ang iyong tagapamahala ng mga benepisyo sa human resources.
Mga Disclaimer
Inilalarawan ng pahinang ito ang mga benepisyong iniaalok namin sa lahat ng miyembro sa lahat ng estado. Kasama rin dito ang mga kinakailangan ng pederal na pamahalaan. Marami pang benepisyo ang maaaring magamit sa ilang estado at sa ilalim ng ilang plano. Gumawa kami ng mga panuntunan at kasanayang maaaring mailapat sa ilan sa aming mga produkto sa ngayon. Ang impormasyon ay isang buod at maaari itong magbago. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa iyong account representative o tumawag sa numerong nakalagay sa iyong ID card bilang miyembro. Ang mga brand ay pagmamay-ari ng mga kaukulang may-ari ng mga ito.
Ginagawang available ang link na ito upang maaari kayong makakuha ng impormasyon mula sa website ng third-party. Ibinibigay lang ang link na ito bilang kaginhawahan at hindi isang pag-eendorso ng nilalaman ng website ng third-party o anumang mga produkto o serbisyong inialok sa website na iyon. Wala kaming pananagutan para sa mga produkto o serbisyong inialok o sa nilalaman ng anumang naka-link na website o anumang link na nilalaman ng isang naka-link na website. Hindi kami gumagawa ng anumang mga pahayag tungkol sa kalidad ng mga produkto o serbisyong inialok, o sa content o katumpakan ng mga materyal sa naturang mga website.