Pumunta sa pangunahing content
Para sa Mga Miyembro (Bubukas sa isang bagong tab)
Pangunahing Nilalaman

Mga over-the-counter na pansuri ng COVID-19 sa bahay

Maraming miyembro ng UnitedHealthcare ang maaaring makakuha ng mga over-the-counter (OTC) na pansuri ng COVID-19 sa bahay, nang abot-kaya o walang gastos.

  • Mga miyembro ng planong UnitedHealthcare Medicare Advantage: Ang partikular na benepisyong ito ay hindi nalalapat sa mga miyembro ng Medicare Advantage. Gayunpaman, may mga opsyon para sa mga libreng pansuri at pagsusuri. Tingnan sa ibaba para sa karagdagang impormasyon. 
  • Mga miyembro ng UnitedHealthcare Community Plan: Maaaring may access ang mga miyembro ng Medicaid sa sakop na OTC na pansuri sa bahay depende sa mga patakaran sa saklaw ng estado. Mangyaring tawagan ang numero sa likod ng iyong ID card bilang miyembro upang maunawaan ang saklaw sa iyong estado. Tingnan sa ibaba para sa higit pang impormasyon sa mga libreng pansuri at pagsubok. 

Para sa mga miyembro ng Medicare Advantage

Maaaring may benepisyo ang iyong UnitedHealthcare Medicare Advantage plan na magagamit mo para makakuha ng mga OTC na pansuri ng COVID-19 sa bahay. Mag-sign in sa medicare.uhc.com upang malaman kung bahagi ng iyong Medicare Advantage plan ang mga benepisyo sa OTC. Tingnan ang iyong Catalog ng mga Over-the-Counter na Produkto o ang Card ng benepisyo sa mga Over-the-Counter na Produkto para makumpirma.

Ang mga miyembro ng UnitedHealthcare Medicare Advantage ay hindi kwalipikado para sa pag-reimburse ng mga OTC na pansuri sa COVID-19 sa bahay na binili nang walang utos ng doktor. Ang lahat ng aming mga plano sa Medicare Advantage ay sumasaklaw sa pagsusuri sa COVID-19 kapag iniatas ng isang manggagamot nang may $0 na bahagi sa gastos.

Ang mga UnitedHealthcare Medicare Supplement na plano at mga UnitedHealthcare Medicare Prescription Drug na Plano ay hindi sumasaklaw o nagre-reimburse para sa mga pagbili ng OTC na pansuri sa COVID-19 sa bahay. Para sa impormasyon sa saklaw ng Original Medicare para sa pagsusuri sa COVID-19, tingnan ang Saklaw ng Pagsusuri sa Coronavirus (medicare.gov).

Kahandaang Magamit ng Libreng Pagsusuri

Gaya ng nakasanayan, libre ang pagsusuri sa COVID-19 kapag pumunta ka sa isang lokasyon ng pagsusuri sa COVID-19 sa halip na magsuri sa bahay. Maghanap ng isang lokasyon ng pagsusuri sa COVID-19 na malapit sa iyo.

Hindi sinasaklaw ng Medicare ang mga over-the-counter (OTC) na pansuri ng COVID-19 sa bahay, ngunit maaaring available ang saklaw ng Medicaid para sa mga pansuring iyon para sa mga miyembro na kwalipikado sa parehong programa, kabilang ang mga nakatala sa dual eligible special needs plan (D-SNP). Para tingnan kung sinasaklaw para sa iyo ng Medicaid ang mga OTC na pansuri ng COVID-19 sa bahay, tumawag sa numero ng telepono sa iyong ID card bilang miyembro. 

Gayundin, karamihan sa mga UnitedHealthcare D-SNP ay may benepisyo sa OTC na magagamit para makakuha ng mga pansuri ng COVID-19 sa bahay. Upang malaman kung kasama sa iyong D-SNP ang benepisyong ito, mag-sign in sa iyong account para sa higit pang impormasyon. 

Sinasaklaw din ng lahat ng UnitedHealthcare D-SNP, na may $0 na bahagi sa gastos, ang mga pansuri ng COVID-19 na iniutos ng isang tagapagbigay ng serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan.

Pagiging available ng libreng pagsusuri

Gaya ng nakasanayan, libre ang pagsusuri sa COVID-19 kapag pumunta ka sa isang lokasyon ng pagsusuri sa COVID-19 sa halip na magsuri sa bahay. Maghanap ng isang lokasyon ng pagsusuri sa COVID-19 na malapit sa iyo.


Para sa mga miyembro ng UnitedHealthcare Community Plan

Ang saklaw ng pagsusuri sa COVID-19 ay tinutukoy ng bawat programa ng Medicaid ng Estado, at ang mga detalye tungkol sa saklaw ay nag-iiba ayon sa estado. Para sa mga kwalipikado sa parehong Medicaid at Medicare, dapat magbigay ng gabay sa kanilang saklaw ang tagapangasiwa ng kanilang mga benepisyo sa Medicaid. Dapat tumawag ang mga miyembro sa numero sa likod ng kanilang card kung may mga katanungan sila.

Kahandaang Magamit ng Libreng Pagsusuri

Sa website ng Pederal na pamahalaan na covidtests.gov, maaaring makatanggap ang iyong sambahayan ng dalawang beses na pagpapadala ng apat na libreng pansuri ng COVID-19 sa bahay na nabibili nang walang reseta (OTC) nang direkta mula sa covidtests.gov. Makikita ang higit pang impormasyon sa alok na ito sa covidtests.gov.

Gaya ng nakasanayan, libre ang pagsusuri sa COVID-19 kapag pumunta ka sa isang lokasyon ng pagsusuri sa COVID-19 sa halip na magsuri sa bahay. Maghanap ng isang lokasyon ng pagsusuri sa COVID-19 na malapit sa iyo.

Disclaimer

Ang mga benepisyong inilarawan sa website na ito ay naglalarawan sa mga pederal na kinakailangan at pambansang patakaran ng UnitedHealthcare, maaaring available ang mga karagdagang benepisyo sa ilang estado at sa ilalim ng ilang plano. 

Inilalarawan ng pahinang ito ang mga benepisyong iniaalok namin sa lahat ng miyembro sa lahat ng estado. Kasama rin dito ang mga kinakailangan ng pederal na pamahalaan. Marami pang benepisyo ang maaaring magamit sa ilang estado at sa ilalim ng ilang plano. Gumawa kami ng mga panuntunan at kasanayang maaaring mailapat sa ilan sa aming mga produkto sa ngayon. Ang impormasyon ay isang buod at maaari itong magbago. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa iyong kinatawan ng account o tawagan ang numero sa iyong ID card ng miyembro.

>
Powered by Translations.com GlobalLink OneLink Software