Hmm … mukhang luma na ang inyong browser.
I-update natin ang inyong browser para ma-enjoy ninyo ang isang mas mabilis at mas ligtas na karanasan sa site.
Saklaw, mga Sanggunian at Panggagamot para sa Coronavirus (COVID-19)
Pag-unawa sa saklaw ng pagsusuri at paggamot ng COVID-19
Sa UnitedHealthcare, narito kami upang tulungan kang maunawaan kung ano ang sinasaklaw at kung paano mag-access ng pangangalaga. Gusto naming makatulong na sagutin ang iyong mga tanong at iugnay ka sa mga mapagkukunang maaaring makatulong na suportahan ka sa panahong ito.
Huwag kalimutang magpatingin sa mga provider na nasa network at palaging ipakita ang iyong ID card bilang miyembro ng UnitedHealthcare para sa pagsusuri, mga pagpapatingin o paggamot na nauugnay sa COVID-19. Gayundin, palaging ipagbigay-alam sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider o PCP) ang anumang resulta ng pagsusuri para sa COVID-19 o pangangalagang maaari mong matanggap.
Maraming tao ang nagsisimula ng bagong planong pangkalusugan sa bagong taon. Dahil dito, maaaring magsimula sa umpisa ang mga copay, coinsurance o mga nababawas. Mag-sign in sa iyong online na UnitedHealthcare account o suriin ang mga materyal ng iyong plano para sa mga detalye sa iyong plano sa benepisyo.
Pagtukoy ng virus/antigen at pagsusuri ng antibody
Lubos na sinusuportahan ng UnitedHealthcare ang pangangailangan ng maaasahang pagsusuri at hinihimok ang mga provider ng pangangalagang pangkalusugan na gumamit ng mga maaasahang pagsusuring pinahintulutan ng FDA. Tinutukoy ng pagsusuri ng virus/antigen (diagnostic) kung ang isang tao ay kasalukuyang nahawahan ng COVID-19. Maaaring matukoy ng pagsusuri ng antibody (serology) kung nalantad ang isang tao sa COVID-19, at ayon sa FDA, hindi dapat gamitin ang pagsusuring ito upang mag-diagnose ng kasalukuyang impeksyon.
Sa panahon ng pambansang emergency sa kalusugan ng publiko, na kasalukuyang nakaiskedyul na matapos sa Marso 11, 2023, magkakaroon ka ng $0 na bahagi sa gastos (copayment, coinsurance o naibabawas) para sa medikal na naaangkop na pagsusuri para sa COVID-19 kapag iniutos ito ng isang doktor o propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan para sa mga layunin ng diagnosis o paggamot. Ang mga pagsusuri ay dapat na pinahintulutan ng FDA upang masaklaw nang walang pagbabahagi sa gastos.
Nalalapat ang pagsaklaw na ito sa mga pagsusuring nasa network at wala sa network para sa mga planong pangkalusugang itinataguyod ng Medicare Advantage, Exchange, Indibidwal at Employer. Para sa mga indibidwal na nakatala sa Mga Planong Pangkomunidad ng UnitedHealthcare, maaaring malapat ang mga pagkakaiba-iba at regulasyon ng estado sa panahong ito. Susuriin ang mga benepisyo alinsunod sa iyong planong pangkalusugan.
Kung kinakailangan ang pagsusuri para sa COVID-19 para sa iyong mga layunin sa trabaho, edukasyon, kalusugan ng publiko o pagsubaybay (pagbabantay), sasaklawin ng UnitedHealthcare ang pagsusuri kapag iniatas ng naaangkop na batas. Ipoproseso ang mga benepisyo alinsunod sa iyong plano sa benepisyo sa kalusugan, at karaniwang hindi sinasaklaw ng mga plano sa benepisyo sa kalusugan ang pagsusuri para sa mga layunin sa pagsubaybay o kalusugan ng publiko. Patuloy naming susubaybayan ang mga pagpapahusay ng regulasyon sa mga panahon ng emergency.
Mahalaga ang pagsubok upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19. Hinihikayat namin kayo—ang aming mga miyembro—at ang mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na gamitin ang mga pagsubok na pinahintulutan ng FDA. May dalawang uri ng pagsubok sa COVID-19:
- Mga pagsusuring diagnostiko alamin kung ikaw ay kasalukuyang nahawahan ng COVID-19.
- Maaaring matukoy ng mga pagsusuri sa antibody kung nahawahan ka ng virus. Ayon sa FDA, ang antibody na mga pagsusuri ay hindi dapat gamitin sa pagsuri ng umiiral na impeksyon.
Magkakaroon ka ng $0 na bahagi sa gastos (copayment, coinsurance o naibabawas) para sa medikal na naaangkop na pagsusuri sa COVID-19 sa panahon ng pambansang emergency sa kalusugan ng publiko, na kasalukuyang nakaiskedyul na matapos sa Mayo 11, 2023. Ang naaangkop na medikal na pagsubok ay iniuutos ng isang manggagamot o propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan para sa mga layunin ng diagnostiko o paggamot. Ang mga pagsusuri ay dapat na pinahintulutan ng FDA upang masaklaw nang walang pagbabahagi sa gastos. Nalalapat ang pagsaklaw na ito sa mga nasa network at labas ng network na mga pagsubok para sa mga plano sa kalusugan ng Medicare Advantage, Exchange, mga planong pangkalusugan na itinataguyod ng Indibidwal at Employer sa buong panahon ng pambansang emerhensiya sa kalusugan ng publiko. Para sa mga indibidwal na nakatala sa Mga Plano ng Komunidad ng UnitedHealthcare, maaaring mailapat ang mga pagbabago at regulasyon ng estado sa panahong ito.
Ang mga plano sa benepisyo ng UnitedHealthcare sa pangkalahatan ay hindi sumasaklaw sa pagsubok para sa layunin ng trabaho, edukasyon, paglalakbay, kalusugan ng publiko o pagsubaybay, maliban kung hinihingi ng batas. Mapoproseso ang mga benepisyo alinsunod sa iyong plano sa benepisyo sa kalusugan.
Kung sa palagay mo ay kailangan mo ng pansuri ng COVID-19, kausapin ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan o kumuha ng pansuri.
Paggamot sa COVID-19
Kung magkakasakit ka ng COVID-19, maaaring magreseta ang iyong povider ng pangangalagang pangkalusugan ng mga paggamot. Para sa panggagamot sa COVID-19, ang bahagi sa gastos ay ayon sa plano sa benepisyo ng miyembro. Ikaw ang mananagot para sa anumang copay, coinsurance, nababawas o mga gastos sa labas ng network. Nalalapat ang saklaw na ito sa Medicare Advantage, Exchange, Indibidwal at mga planong pangkalusugan na sino-sponsor ng Employer. Para sa mga miyembrong naka-enroll sa UnitedHealthcare Community Plans, maaaring ilapat ang mga probisyon at regulasyon ng estado sa panahong ito.
Kung may mga tanong ka o kailangan mo ng impormasyon tungkol sa iyong mga benepisyo
Tawagan ang numero sa iyong ID card ng miyembro o mag-sign in sa iyong account sa kalusugan.
Paano magpasuri para sa Coronavirus (COVID-19)
Kung sa palagay mo ay maaaring nalantad ka sa Coronavirus (COVID-19) o may mga sintomas ka gaya ng lagnat, ubo o hirap sa paghinga, tawagan kaagad ang iyong tagapagbigay ng pangangalaga sa kalusugan. Sa maraming kaso, maaari kang makipag-usap sa isang provider gamit ang FaceTime, Skype o Zoom, na tinatawag na telehealth (virtual na pagpapatingin). Kung sumang-ayon ang iyong provider ng pangangalaga sa kalusugan na dapat kang suriin, makikipag-ugnayan sila kung saan ka susuriin.
Maaaring isang opsyon ang mobile at drive-up na pagsusuri. Gamitin ang aming panghanap para makahanap ng sentro ng pagsusuri.
Naglunsad ang Pederal na pamahalaan ng pambansang website kung saan makakatanggap ang bawat sambahayan ng isang beses na pagpapadala ng apat na libreng OTC na pansuri ng Covid-19 sa bahay na ipapadala nang direkta mula sa covidtests.gov. Para sa karagdagang impormasyon sa programang ito, pumunta sa covidtests.gov.
Suporta para sa aming mga miyembrong may pinakamataas na panganib: Medicare Advantage at Medicaid
Sinabi ng CDC na ang mas matatandang adulto at mga taong anuman ang edad na may mga malalang pangunahing medikal na kundisyon ay maaaring may mas mataas na panganib na magkaroon ng malalang karamdaman dahil sa Coronavirus (COVID-19). Ang mga halimbawa ng mga malalang pangunahing medikal na kundisyon ay mga pangmatagalang kundisyon ng puso o baga, hika, nakompromisong immune system, diabetes, pangmatagalang sakit sa kidney at atay. Kung buntis ka, may kapansanan o nakakaranas ng kawalan ng tirahan, maaari ka ring may mas mataas na panganib.
Kung napapabilang ka sa isang kategorya sa itaas, maaaring hilingin sa iyo ng iyong tagapagbigay ng serbisyo na manatili ka sa loob ng bahay na malayo sa iba (self-isolate). Nandito ang UnitedHealthcare upang matulungan ka sa panahong iyon at upang makatulong na bawasan ang iyong posibleng pagkakalantad sa virus. Makakatulong kami sa iyo kung paano makakuha ng mga gamot, supply, pagkain at pangangalaga. Maaari mo ring malaman ang tungkol sa mga programa ng suporta.
Mga miyembro, pakitawagan ang numero ng telepono sa ID card ng miyembro. Kapag tumawag ka, ipaalam sa kanila na nagrekomenda ang iyong tagapagbigay ng pangangalaga sa kalusugan ng self-isolation.
Alamin ang tungkol sa mga pag-iingat na dapat gawin kung ikaw ay isang miyembro ng Medicare Advantage o nasa panganib.
Mga Karagdagang Mapagkukunan ng Impormasyon para sa Mga Miyembro
Mga Madalas Itanong
Maaaring nalantad ako sa Coronavirus (COVID-19). Ano ang dapat kong gawin?
Tawagan kaagad ang iyong tagapagbigay ng pangangalaga sa kalusugan kung naniniwala kang maaaring nalantad ka sa Coronavirus (COVID-19) o may mga sintomas ka gaya ng lagnat, ubo o hirap sa paghinga.
Maaari kang makahanap ng tagapagbigay ng pangangalaga sa kalusugan na nasa network sa pamamagitan ng pag-sign in sa iyong account sa plano sa kalusugan o sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa isang tagapagtaguyod sa pamamagitan ng pagtawag sa numero ng telepono na nasa iyong ID card ng miyembro ng UnitedHealthcare.
Ano pa ang dapat kong malaman tungkol sa Ivermectin at COVID-19?
Ayon sa CDC, ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang malubhang sakit mula sa COVID-19 ay ang magpabakuna. Ang ibang mga panggagamot na awtorisado para sa COVID-19 ay ang mga monoclonal antibody na panggagamot. Makipag-usap sa iyong doktor para matuto pa.
Ano ang aking saklaw para sa mga over-the-counter na pagsubok sa COVID-19?
Naglunsad ang Pederal na pamahalaan ng pambansang website kung saan makakatanggap ang bawat sambahayan ng tatlong (3) beses na pagpapadala ng apat na libreng OTC na pansuri ng COVID-19 sa bahay na ipapadala nang direkta mula sa covidtests.gov.
Para sa karagdagang impormasyon sa programang ito, pumunta sa covidtests.gov.
Para sa mga miyembro ng UnitedHealthcare Community Plan, tinutukoy ng bawat programang Medicaid ng Estado ang saklaw sa pagsusuri ng COVID-19, at depende sa estado, magkakaiba ang mga detalye tungkol sa saklaw.
Para sa mga kwalipikado sa parehong Medicaid at Medicare, dapat magbigay ng gabay sa kanilang saklaw ang tagapangasiwa ng kanilang mga benepisyo sa Medicaid. Dapat tumawag ang mga miyembro sa numero sa likod ng kanilang card kung may mga katanungan sila.
Disclaimer
Ang mga benepisyong inilalarawan sa website na ito ay naglalarawan ng mga pederal na ipinag-aatas at pambansang patakaran ng UnitedHealthcare, maaaring may mga magagamit na karagdagang benepisyo sa ilang estado at sa ilalim ng ilang plano.
Inilalarawan ng pahinang ito ang mga benepisyong iniaalok namin sa lahat ng miyembro sa lahat ng estado. Kasama rin dito ang mga kinakailangan ng pederal na pamahalaan. Marami pang benepisyo ang maaaring magamit sa ilang estado at sa ilalim ng ilang plano. Gumawa kami ng mga panuntunan at kasanayang maaaring mailapat sa ilan sa aming mga produkto sa ngayon. Ang impormasyon ay isang buod at maaari itong magbago. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa iyong kinatawan ng account o tawagan ang numero sa iyong ID card ng miyembro.
Ginagawang available ang link na ito upang maaari kayong makakuha ng impormasyon mula sa website ng third-party. Ibinibigay lang ang link na ito bilang kaginhawahan at hindi isang pag-eendorso ng nilalaman ng website ng third-party o anumang mga produkto o serbisyong inialok sa website na iyon. Wala kaming pananagutan para sa mga produkto o serbisyong inialok o sa nilalaman ng anumang naka-link na website o anumang link na nilalaman ng isang naka-link na website. Hindi kami gumagawa ng anumang mga pahayag tungkol sa kalidad ng mga produkto o serbisyong inialok, o sa content o katumpakan ng mga materyal sa naturang mga website.